𝐹𝐼𝐹𝑇𝑌 𝑆𝐼𝑋

8 3 0
                                    

"Maayos na ba ang batang kasama mo?" napapitlag ako sa pagkakaupo ng biglang sumulpot sa harap ko si Perxie, nakasando itong puti at maong na short. Kaya kitang kita ko kung gaano siya kaputi.

Medyo nahiya naman ako sa kulay ko, maputi din naman ako pero medyo naconcious ako kung gaano siya kaputi.

May dugo pa ba siya sa lagay na iyan?

"Maayos na din siya......nagamot na siya ni Lennox" at pagkatapos nga ng pag-gagamot niya ay bigla na lang siyang umalis. Pati na din si Catalina ng biglang makita niya ang apo ni Mang Ants.

Iniwan nila akong mag-isa.

"Ganoon ba.....mabuti naman. Tara meryenda tayo" inilapag niya sa mesa ang dala dalang tray na may lamang dalawang juice at dalawang sandwich.

Maingat niyang inilapag sa harap ko ang isang baso at isang sandwich.

"Salamat naman" umupo siya sa katapat kong upuan, medyo nahiya at nailang naman ako dahil diretsong diretso siya kung tumingin sa akin. Kaya sa ibang bagay ko nalang itinutuon ang paningin ko.

"Napakacute nung bata.....anak mo ba siya?" gusto ko sanang umuo pero huwag nalang. Baka malito pa siya at sabihan akong sinungaling kapag nalaman niya ang totoo.

Saka wala na akong karapatang angkinin siyang akin.

"Hindi......anak siya ng kapatid ko" ngumiti ako sa kaniya saka nag-iwas ulit ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya dahil sadyang nakakailang talaga.

"Ahh ganoon ba? May pag-asa pa pala ako" bulong niya pero narinig ko pa rin kaya mas lalo akong nailang, uminom nalang ako ng juice at nagpanggap na hindi siya narinig.


Is he hitting on me?

Assumera man ako pero ganoon talaga ang feeling ko!!

Gwapo naman siya at macho pero.....
pero sadyang wala akong maramdamang kakaiba sa kaniya. Hindi kagaya sa iba diyan na marinig ko pa lang ang pangalan ay halos maihi na ako sa kaba.

Tsk!! Pambihira.

"Pre" speaking of pangalan......halos mabuwal ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses niya sa likod ko. Hindi na magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Anong gagawin ko?

Para akong naiihi na iwan.

Umayos ako ng upo kahit maayos naman ang pagkakaupo ko.

Tumikhim muna ako at pinakalma ang sarili......ayokong makita niya akong ganito at baka ano pa ang maisip niya tungkol sa akin.

"Ohh Lennox, bakit?" umupo sa katabi kong upuan ang lalaki at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang bawat galaw niya. Kahit na umiinom ako, ang buo ko namang atensiyon ay nasa kaniya.

Agad akong umiwas ng tingin ng lumingon siya sa akin. Nagpanggap akong tumitingin sa mga bulaklak, pero ang kaba ko ay abot na ata sa langit.

"Wala naman, gumawa ako ng meryenda para kay Iyah" halos mabitawan ko ang hawak na baso nang banggitin niya ang pangalan ko.

Tama ba ang narinig ko, o sadyang assumera talaga ako?

Did he mention my name?

For real?

Baka guni-guni ko lang yon?

Unti unti akong lumingon sa kaniya at matiim siyang nakatitig sa meryendang nasa harapan ko. Agad kong binaba ang baso at umupo ng tuwid.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now