𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌 𝑇𝐻𝑅𝐸𝐸

14 8 0
                                    

"You're so adorable, mana ka talaga kay Ninang" kahit sa kusina ako ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na boses ni Jela. Kanina pa sila dito ni Macoy, mga alas singko siguro ng umaga kaya nagising din ng maaga si Catalina dahil siya lang daw ang ipinunta nila dito, tsk , hindi kasi sila nakapunta kahapon dahil busy si Macoy sa trabaho, kaya nabulabog ako nang napakaaga dahil sa kanila.

"Mana po ako kay mommy" natawa ako ng tahimik ng marinig ko ang sagot ni Catalina. Nagluluto ako ng almusal namin ngayon, wala sina mama at papa ngayon dahil bumisita sila kina lolo at lola. Next week na siguro kami pupunta doon dahil bibisitahin ko pa ang kompanya ko. Gusto din sana nina lolo at lola na sumabay kami kina mama pero sinabi ko nalang na dadaan kami sa kanila next week, miss na miss na daw kasi nila si Catalina.

"Ate, ako na diyan" inayos na ni Nana ang mesa saka tinawag ang tatlo, tatalon talon namang dumulog sa amin sina Catalina at Jela. Nag-iisip bata talaga siya kapag kasama niya si Catalina. Pinaupo ko ang kyut na paslit sa tabi ko at pinatungan sa lap ng table napkin. Marunong na siya sa mga table manners kaya hindi mo na kailangan siyang turuan ng paulit-ulit, nakukuha niya kaagad sa isang turo lang.

"Napagod at nagutom ako sa kakalaro sa batang ito" sinunggaban agad ni Jela ang mga pagkain na siyang ikinatawa ng paslit. Pinunasan ko ang bibig niya saka kumain na din.
"Pasyal tayo later baby, bibilhan kita ng mga bagong dress and shoes" naexcite naman siya kaya binilisan niya ang pagkain.

"Dahan dahan lang sa pagkain" saway ko na agad naman niyang sinunod saka ngumuso. Natawa nalang silang tatlo sa kakulitan at kakyutan ng bata.

"Eh tayo Iyah, saan tayo?" lumingon ako kay Macoy na punong puno ang bibig. Malaki din ang pinagbago niya, mas gumwapo at tumangkad siya. Balita ko nga babae na ang nanliligaw sa kaniya.

"Daan tayo sa company, gusto ko lang bisitahin at magpapameeting ako later" tumango siya bago nagpatuloy sa pagkain. Sa kaniya ako sasakay papunta sa kompanya dahil gagamitin nina Jela ang kotse ko sa pamamasyal.

"Sasama nalang ako kina Jela ate, wala naman akong kasama dito sa bahay e"


Pagkatapos naming kumain, pinaliguan ko kaagad si Catalina, saka binihisan ng isang pink dress at sinuotan ng black shoes. Nilagyan ko lang ng headband ang ulo niya at okay na siya. Hinagkan ko muna siya sa pisngi bago ako maligo.


"Mag-iingat ka sa pagmamaneho ha? Kasama mo si Catalina" pagpapaalala ko kay Jela, kanina ko pa siya sinasabihan at parang wala lang sa kaniya lahat ng sinasabi ko. Sarap batukan e.

"Opo na po, naririndi na ako sa boses mo dai" bago sila umalis hinagkan ko ulit ang kyut na bata saka pinakawalan.

"Nana, ikaw na bahala" tumango sa akin si Nana saka sila umalis.


Sumakay na din ako sa kotse ni Macoy saka kami umalis. Magkaibang direksiyon ang tinahak ng kotse namin kina Jela kaya hindi ko na natanaw ang sasakyan ko.


"Kamusta pala ang kompanya nung wala ako?" medyo may kalayuan ang kompanya sa bahay namin, siguro mga tatlumpong minuto ang biyahe. Pero kapag galing sa bahay nina Macoy, sampung minuto lang.

"Ayos naman ang takbo, palaki ng palaki ang sales at shares nito. Hinahanap ka ng mga board members pero ako palagi ang nagpapaliwanag sa kanila, kahit wala ka hardworking pa rin sila" mabuti talaga at maaasahan ko si Macoy sa mga ganitong bagay.

"Salamat Macoy, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka" umismid siya saka natawa, lumabas tuloy ang dalawa niyang dimple.

"Wala iyon, para ka namang iba. Basta ba ay pwede pa rin akong pumasok sa kompanya mo" natatawa niyang sagot, kumunot ang noo ko sa sinabi niya

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now