𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝑁𝐼𝑁𝐸

16 10 0
                                    

September 21, alas singko ng madaling araw ay bumabiyahe na ako papunta sa hospital kung nasaan si Lennox. Medyo malayo kasi ang hospital na pinagdalhan kay papa kaya medyo matatagalan ako.

Todo dasal ako habang nasa biyahe at ipinag papasalamat ko sa Diyos na sa wakas gising na siya.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.


"Iha, pasensiya na.......naflatan tayo" nanlumo ako habang bumababa ng tricycle, medyo malayo pa ang hospital dito at wala namang ibang sasakyang dumaraan.

"Okay lang po, bayad ko po" ayaw niya pa sanang tanggapin dahil hindi niya daw ako maihahatid sa pupuntahan ko pero nagpumilit ako, nagtatrabaho siya para sa pamilya niya kaya kailangan natin silang irespeto at pakisamahan ng maayos.

Wala akong ibang nagawa kundi lakarin nalang ang daan papunta sa hospital. Kahit masakit pa ang paa ko ay pinilit ko paring ihakbang ang mga ito.


Kaya ko to!!


Sa kamalas malasan, nang nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong ibang nagawa kundi magpasilong muna at hintayin ang pagtila ng nito.

Hindi ko iisiping malas ako today dahil nang malaman kong gising na siya, binuo na nito ang araw ko kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob, kahit dumanas pa ako ng maraming kamalasan ngayong araw tuloy pa rin, para sa kaniya.

Alas sais na ng umaga pero hindi pa rin tumitila ang ulan, nanginginig na din ako dahil sa sobrang lamig at magkakaroon pa ata ako ng sipon.

"Kuya, pwede ko po bang bilhin ang payong niyo? Kailangan ko lang po talagang makapunta sa hospital" kanina ko pa gustong itanong iyon sa katabi kong lalaki na medyo nasa 30's na, nahihiya lang ako.......pero ngayon wala na akong pakialam kahit pagtawanan o ano pang isipin niya sa akin, kailangan ko na siyang makita.

"Ganoon ba? Heto kunin mo na, huwag mo nang bilhin, binibigay ko na to sayo" halos yakapin ko na ang lalaki sa sobrang bait niya. Natawa siya sa naging reaksiyon ko pero hindi niya maiintindihan kung bakit ganoon nalang ang naging reaksiyon ko.

Sumugod ako sa napakalakas na ulan gamit ang payong ni kuya. Kahit liliparin na ang hawak kong payong ay pinilit ko pa ring makapunta sa hospital.

Panay ang sulyap nang karamihan sa akin nang sa wakas ay makarating ako sa hospital. Basang basa ako pero hindi ko na iyon alintana pa. Pinuyod ko lang ang buhok ko at piniga ang damit ko para hindi mahalata masyado na basa ako. Baka kasi pagalitan ako ni Lennox kapag nalaman niyang nag-paulan ako.

Nang masiguro kong okay na ang hitsura ko agad akong tumungo kung nasaan siya. Tinext sa akin ni Von kung saan ang kwarto niya kaya hindi na ako nahirapan.


Nanginginig ang buo kong katawan at panay na rin ang bahing ko.


"Iyah?" nadatnan ko silang apat sa labas ng kwarto niya, nanlaki ang mga mata nila ng makita ang hitsura ko. "Sumugod ka sa napakalas na ulan?" hindi makapaniwalang tanong ni Franz. Ngumiti ako sa kaniya kahit na nanghihina na ang katawan ko. Pero kapag naiisip kong makikita ko na ang taong mahal ko bigla nalang akong lumalakas.


Siya ang tahanan ko.


At sa kaniya lang ako payapa.


"Bakit ka sumugod sa ulan? Alam mo ba kung gaano iyon kadelikado?" alam kong nag-aalala lang sila sa akin kaya ganito sila kung magpanik. At napakaswerte ko at nakilala ko ang mga tulad nila.

"A-Ayos lang ako ano ka ba. Kahit ano pang sakuna ang humarang sa akin.....pupunta at pupunta pa rin ako dito" natigilan silang lahat at sabay sabay na nag-iwas ng tingin. "Kamusta na siya? Okay na ba siya?" gusto ko na siyang puntahan pero kailangan ko munang malaman ang kalagayan niya.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now