𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝑇𝐻𝑅𝐸𝐸

18 11 0
                                    

Second day ng interschool tournament namin.

Bago kami pumunta sa school dinalaw muna namin si Macoy sa hospital, walang kapalit ang tiyahin niya sa pagbabantay dahil busy din ako. Binilhan nalang namin siya ni Lennox ng mga pagkain para hindi na siya umalis. Laking pasalamat naman niya sa aming dalawa.

Hindi kami nagtagal doon dahil maaga pa ang laro ni Lennox. Mabuti at hindi nagkasabay ang laro namin kaya makakanood pa ako.

Pagkarating namin sa school nagpaalam muna ako sa kaniya na pupuntahan si Jela sa canteen. Doon ko kasi siya pinaghintay at sabay kaming pupunta sa court.

Agad ko naman siyang nakita at nilapitan.

"Ang tagal mo naman dai"

"Pasensiya na ho. Binilhan pa kasi namin ng pagkain ang tiya ni Macoy"

"Tara na, samahan mo muna ako sa cr" sinamahan ko naman siya sa cr pero hindi na ako pumasok.

"Hi?" nilingon ko ang babaeng naka mask na lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko at agad niya namang tinanggal ang face mask niya. "Naaalala mo pa ako? Its me.....Safira" nagulat ako nang makita ulit siya pero I manage to smile pa din.

"Hi. Anong ginagawa mo dito?" sa pagkakaalam ko hindi siya dito nag-aaral. Nakasuot ito ng white jacket at itim na pantalon, napakasimple ng suot niya pero nagsusumigaw pa rin kung gaano siya karangya.

"May binisita lang ako na friend. May laro kasi sila ngayon, balak ko sanang manood" napaka angelic ng boses at mukha niya, at hindi siya mahirap pakisamahan dahil napaka approachable niya.

"Ahh ganun ba? May laro din kasi ako ngayon eh"

"Talaga? Pwede ba akong manood?"

"Sure sure" sabay kaming natigilan ng lumabas na si Jela, nagtatanong ang mga mata nito pero agad ko siyang hinila. "Aalis na kami. See you later"

"See you too. Its nice to see you again" kinaladkad ko na si Jela dahil nagsisimula na marahil ang laro nina Lennox

"Sino ang babaeng iyon? Maganda siya ha" lumingon pa ako kay Safira pero hindi ko na siya nakita, siguro nanood na siya ng laro ng kaibigan niya.

"Si Safira, nakilala ko siya sa kumbento. Kakilala din ata ni Father Matt" pagkarating namin sa court nagsisimula na nga ang laban. Agad kaming pumunta sa dating pwesto at nanood. Halos silang lima ay nasa gitna at naglalaro kaya wala akong makausap sa kanila.

ESTI pala ang kalaban nila ngayon, at napansin kong lamang ng apat na puntos ang kalaban. Kaya pa naman iyan habulin.

Todo ako sa pagcheer pag nakakascore ang isa man sa kanila. Masyado nga silang seryoso kahit first set pa lang.

"Ang intense ng laban" komento ni Jela. Masasabi kong magaling nga ang kalaban nila. Palibhasa puro matatangkad kaya nabablock kaagad ang bola.

Natapos ang first set at lamang ang kalaban. Masama ang mga mukha nila ng lumapit sa amin.

"Asar. Napaka yabang" padabog na naupo si Von at padabog na uminom ng tubig. Nagulat pa ako pero agad kong itinuon sa lalaking palapit sa akin ang paningin ko.

"Nakakapagod" inabutan ko siya ng tubig, at pinunasan ko ulit ang pawis niya. Halata nga sa mukha niya ang pagod.

"Bakit badtrip ata sila?" bulong ko, baka kasi marinig nila at mas lalo pang mabadtrip.

"Ang yayabang kasi ng mga kalaban. Naasar siguro, ang dudumi nila maglaro eh" kaya naman pala. Lumingon ako sa kalaban nila at tatawa tawa silang nag-uusap. Mukha ngang mayayabang.......pangit naman.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now