𝐸𝐼𝐺𝐻𝑇

30 14 0
                                    

"Bat ka pa sumama? Kita mo namang di pa magaling ang tuhod mo. Tingnan mo oh namamaga pa" kanina ko pa siya sinesermonan matapos naming umalis sa court. Hindi na muna daw itutuloy ang laban dahil may na-injured.

Malapit ko na nga sanang mabatukan yung bansot na referee ihh, kita niya namang foul yung nangyari hindi niya parin dinisqualified, litsi siya. Makita ko lang ulit siya, makikita niya hinahanap niya.

"Ang ingay mo" sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Napakatigas ng ulo, ayaw makinig

"Sana kina Franz ka nalang sumabay, paano kung sumakit ulit iyan at di ka makalakad? Di kita kayang buhatin noh, ang bigat mo kaya" binabagtas namin ngayon ang daan papunta sa bahay namin, si Franz nga sana ang hahatid sa akin pero nagpumilit ang isang to na maghatid sa akin, alam ko namang masakit pa rin ang tuhod niya binabalewala niya lang, napapangiwi pa nga siya kapag naglalakad ihh


Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Mabagal lang ang lakad namin dahil nahihirapan pa siyang maglakad, ayaw ko na siyang sermonan dahil hindi naman siya nakikinig sakin.


"Iyah!!" mula sa malayo ay natanaw ko si Macoy na tumatakbo palapit sa amin, pawis na pawis siya nang makalapit sa amin.

"Oh Macoy!" naghabol muna siya ng hininga bago humarap sa akin.

"Pasensiya na sa nangyari, wag kang mag-alala pagsasabihan ko sila" kahit mainit pa rin ang ulo ko sa ginawa nung kasama niya ay nagawa ko parin siyang ngitian, wala naman kasi siyang kasalanan.

"Ayos lang sa akin wala ka namang kasalanan ihh"

"Pasensiya na pare" kay Lennox naman siya bumaling na seryosong nakatingin sa kaniya, mas matangkad si Lennox kay Macoy at mas gwapo pa.


Tumango lang ito saka nag-iwas ng tingin.


"Sige na Iyah alis na ako, kita na lang tayo bukas" ginulo niya pa ang buhok ko bago tumakbo paalis, tinanaw ko pa siya ng tingin bago maglakad.

"Bakit? Masakit ba?" napansin kong hindi na pala nakasunod sa akin si Lennox, nakatingin siya sa nilakaran ni Macoy

"Gaano na kayo katagal na magkakilala?" out of nowhere na tanong niya. Si Macoy ata ang tinutukoy niya.

"Hmm siguro mga 5 years na din" simula high school ay palagi ko na siyang kasama, palagi nga kaming napagkakamalang mag jowa ihh.

"Ahhh" nakapamulsa ulit siya saka tumingin sa akin

"Bakit?" hindi ko alam pero may nararamdaman ako sa mga mata niya, kabaliktaran lahat ng action niya sa sinasabi ng mga mata niya, masyadong itong open.

"Wala" nagkibit balikat nalang ako saka sabay kaming maglakad.


Pagkarating namin sa bahay nakaabang sa pintuan sina mama at papa kapwa nakangisi sila at may nakakakilabot na ngiti.


"Good afternoon po" bati ni Lennox, agad namang lumapit sa kaniya si mama at hinimas himas pa ang braso

"Ikaw pala naghatid sa anak ko, ayos lang kahit madaling araw na siya umuwi basta ikaw ang kasama"

"MA!!" tama bang ibenta niya ako? Pero......bet ko naman hehe!!

"Shhh tumahimik ka diyan. Kumain ka na ba anak?" anak? What the heck?


Napakamot sa ulo si Lennox saka nahihiyang tumingin sa akin. "Hindi pa po maam"


"Ano ka ba!!" hinampas niya pa ito sa balikat, ma.....nagdidilim ulit ang paningin ko. "Mama nalang"

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن