𝑇𝐻𝐼𝑅𝑇𝑌 𝐸𝐼𝐺𝐻𝑇

14 9 0
                                    

"P-Pwede bang.....h-huwag ka nang umalis?" kahit ano pang pagtataboy ang gawin niya sa akin....hinding hindi pa rin ako titigil.....hindi ako susuko sa kaniya. Hindi ko siya susukuan.

"Stop it. Huwag mo nang gawing mas kaawa awa pa ang sarili mo. Hindi ako nararapat sayo.....mas gugustuhin ko pang mapunta ka sa mabuting tao.......kaysa sa akin" pero ikaw lang ang gusto ko....bakit ba hindi mo iyon maisip ha? Ikaw lang ang mahal ko...ayoko nang iba dahil gusto ko ikaw lang.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin, para akong napapaso sa tuwing magsasalubong ang mga mata namin. Unti unti akong nawawasak kapag hindi na niya ako matingnan ng matagal.



W-What happened?



H-Hanggang......hanggang dito nalang ba kami?



H-Hindi pa nga kami nagsisimula eh.



"M-Mahal kita, pero ayokong pilitin ka na piliin moko" halatang nagulat siya sa sinabi ko. Tinuyo ko ang mga luha ko saka tumayo, tumitig ako sa mukha niya.

Sasauluhin ko na dahil baka.....baka ito na ang huling beses na makita ko ang gwapo niyang mukha.

Mukha niya na kinabaliwan ko noon.........hanggang ngayon!!!

Kita ko ang pamumula ng mga mata niya, ayoko nang titigan dahil........dahil baka umasa nanaman ako.

"W-Wala na akong magagawa.........siguro tama si Father..........hindi dapat ako maging selfish.........pasensiya na ha, naging makulit ako. Siguro asar na asar kana sa kakulitan ko" titig na titig siya sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin, hindi ko na kayang salubungin ang mga titig niya.


Natawa ako kahit wala namang nakakatawa. Ito nalang ang magagawa ko para pawiin ang sakit na nararamdaman ko.


"S-Salamat....salamat sa mga oras na nakasama kita. S-Salamat sa sandaling pinaranas mo sakin s-sumaya." Huminga ako nang malalim dahil parang may nakabarang malaking harang sa dibdib ko na sanhi para mas bumigat ito. "M-Mag iingat ka ha? H-huwag mong.....p-pababayaan ang s-sarili mo!!"  para akong nauubusan nang hangin....napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito. "I-Ito pala yung specialty ko......n-niluto ko iyan para sayo. S-Sana magustuhan mo, marunong kasi akong t-tumupad sa pangako" may kung anong hinanakit na namuo sa dibdib ko.....pero lamang pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya.


Wala eh.....gaga na kung gaga. Mahal ko kasi!!


Kamuntikan na akong matumba, mabuti at nakahawak agad ako sa headboard ng kama niya.


"I-Im...o-okay" akma siyang lalapit pero agad ko siyang pinigilan. Huwag ka namang ganyan....lalo mo lang akong pinapahirapan eh. Sa ginagawa mo......lalo lang akong umaasa. "H-Hayaan mo akong.....i-itaboy ka....a-ako na ang gagawa.......p-para....para hindi ka na mag-isip ng dahilan....para lang itaboy ako. Iyon......makakaya ko pa!!" nanginginig ang mga paa at kamay kong humakbang paatras.

Kailangan ko nang l-lumayo......kailangan ko nang u-umiwas, dahil kapag n-nanatili pa ako dito....baka b-bawiin ko ang lahat nang sinabi ko....at m-magmakaawa ulit sa kaniya.


Kahit ako....awang awa na ako sa sarili ko!!


"M-Mahal....na m-mahal kita. S-Sorry kung nag-assume ako. A-Akala ko kasi.......mahalaga ako hahaha.....s-sorry" lintek na mga luha to, hindi maubos ubos.

"I-Iyah" napapikit ako nang marinig ko ang pangalan ko.....napakasarap pakinggan lalo na't siya ang nagsabi. Para akong hinehele sa ulap, ang sarap sa pakiramdam.


Pero alam kong.....huling beses ko nang maririnig na sambitin niya ang pangalan ko.


"I-Im okay.....yeah....p-palagi naman." humakbang siya palapit sa akin pero ako na ang kusang umatras.
"S-Stop it"


𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now