𝑇𝐻𝐼𝑅𝑇𝐸𝐸𝑁

19 14 0
                                    

Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa gate. Palingon lingon ako sa paligid dahil baka magkasalisihan kaming dalawa. Maraming estudyante ang papasok ng school kaya nahihirapan akong makita siya.


Asan na ba siya?


Mas lumapit pa ako sa gate at doon lang ako nakahinga ng maluwag.


Ayon siya.....nakatayo ng tuwid habang nakapamulsa. Hindi alintana ang mga taong panay ang tingin at picture sa kaniya, kahit naka talikod siya nakilala ko pa rin siya.

Iyon kasi ang paborito ko sa kaniya.....ang likod niya.

Sobrang sexy kasi ng likod niya....mapapasabi ka na lang talaga ng, likod pa lang ulam na. Shet.

Bagay na bagay sa kaniya ang broad niyang shoulders, maputing balat, at matangkad talaga siya. Kapag nga nagtatabi kaming dalawa hanggang balikat niya lang ako. Eh sa lagay ko na ito matangkad na ako ha.

Lumapit ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na may tao pala sa unahan niya.

"Lennox, sabay tayong mag lunch later ha" ubos na ubos na siguro ang hiya sa katawan ng babaeng to. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. Napansin ko ang pagka-aligaga ng ulo ni Lennox, palingon lingon sa paligid at tila kinakabahan. Kabahan ka na talaga.

"Ahmmm.....pwede bang.....lumayo ka na sa akin" natigilan si Timmy at tila nagbabadya na ang mga luha nito. Tila wala naman iyon sa lalaki dahil panay pa rin ang lingon nito.

"B-But....But why?" kaunti nalang ang taong dumaraan dahil simula na ng mga klase, late na nga ako ih. Ang aga ko pumasok pero late pa rin, hayyys.

"I dont like you. Stop following me. Ituon mo na lang sa iba ang paningin mo, huwag sa akin....dahil sa iisang tao lang ang paningin ko" natigilan ako sa paghakbang at nagugulat na napatingin sa likuran niya. Masama bang mag-assume? Pero kahit ngayon lang please.....ako ba ang tinutukoy niya?

Halos magtatalon ang puso ko sa tuwa dahil sa isiping iyon, mabuti at wala nang tao dahil baka mapagkamalan nila akong baliw na todo ang ngiti habang nakatitig sa likuran ng lalaking grabe ang epekto sa akin.

Magsasalita pa sana si Timmy pero umeksena na ako. Sawa na akong panoorin ang kadramahan niya sa buhay.

"Lennox" seryoso kong sabi, agad na nagsalubong ang kilay ni Timmy, tsk alam ko namang drawing lang ang mga iyan. "Tara na---" hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita ng yakapin niya ako bigla. Narinig ko pa ang pagsinghap ng kaharap namin.


Shuta kang lalaki ka.....niyayanig mo ang mundo ko, shet ka talaga.


"Dont do that again" bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko, nagtaasan bigla ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang husky ng boses niya. "Pinag-alala mo ako, akala ko kung napano ka na" humiwalay siya sa akin at pinakatitigan ang mukha ko. Hindi ba siya aware na may nanonood sa amin ngayon?

"S-Sorry" ang tanging nasabi ko lang  dahil sa sobrang kaba at kilig.

"Give me your phone" kusang gumalaw ang mga kamay ko at binigay sa kaniya ang phone ko. Sa harap pa rin namin si Timmy na halos mapasukan na ng bubuyog ang bunganga sa sobrang pagkagulat. "Call me if you need me. Okay?" tumango nalang ako dahil ayaw makisama ng bibig ko shuta. "Lets go" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming maglakad. Naiwan ang babaeng ngayon ay umiiyak na. Sorry ka na lang, this man is mine.

"Pumunta ka daw sa bahay?" kami nalang ang naglalakad sa buong hallway papunta sa room namin, ayaw ko sanang magpahatid pero sadyang makulit ang lahi niya.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now