𝐹𝐼𝐹𝑇𝑌 𝑇𝐻𝑅𝐸𝐸

12 9 0
                                    

"Kamusta ka naman teh? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nasa bahay ngayon sina Maccoy at Jela para dalawin at kamustahin ako.

Sunday kasi kaya wala silang trabaho ngayon. Bawat linggo ay dumadalaw sila sa akin at dinadalhan ako ng ibat ibang pagkain o bagay.

"Maayos na din ang pakiramdam ko. Wala na din akong nararamdamang kakaiba" maliban nalang sa naramdaman ko kanina sa church na halos atakihin ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagkatapos nga ng mesa ay kaagad akong lumabas para makahinga ng maayos.

Para akong nasuffocate sa loob kahit nakatutok naman ang electric fan sa amin.

Kakaiba ang pakiramdam ko nun at feeling ko.......makakasama lang iyon sa akin.

Makakasama iyon sa tuluyan kong paggaling.......kaya kung maaari ay iiwasan ko na maramdaman ulit ang ganoong pakiramdam.

"Hayy naku, mabuti naman teh. Miss na miss ko ng maglakwatsa kasama ka e" kahit ako miss na miss ko na ding mamasyal, sadyang hindi lang nila ako pinapalabas madalas dahil baka mabinat pa ako.

"Huwag kang mag-alala iha, pwede na siyang lumabas at mamasyal sabi ng doctor" lumabas si mama galing sa kusina dala ang meryendang inihanda niya sa amin.

"Talaga tita? As in pwedeng pwede na?"

"Oo, maayos na din ang lagay niya. Basta ba ay huwag lang magpapagod masyado" sa sobrang tuwa ay napayakap pa si Jela kay mama, natawa nalang kami ni Maccoy sa inasta niya.

"Salamat naman tita. Dont worry ako pong bahala sa kaniya" umupo ulit siya saka nilantakan ang meryendang dala ni mama.

"O siya sige, at mamamalengke pa kami" dala dala na niya ang bayong ng bumaba si Nana mula sa taas.

"Samahan na kita ma, alis lang kami ate ha. Bye" at sinamahan niya na si mama palabas.

"Oh ano? Anong balak niyong dalawa?" tanong ni Maccoy habang nakasandal at nakadekwatro sa upuan, medyo lumaki ang katawan ni Maccoy dahil sa hapit na hapit niyang damit, siguro nag gigym na siya ngayon.

At saka medyo pumuti na din siya at kita ko na din ang ilang balbas sa mukha niya na lalong nagpagwapo sa kaniya.

"Well, balak ko sanang bisitahin ang simbahan, balita ko ay may gwapo daw na engineer doon......you know engineer ang aking nais hehe" humagikhik pa si Jela kaya binato siya ng unan ni Maccoy na sapul sa mukha niya. "Aray ko ha, deputa ka"



Inawat ko na sila bago pa
magkainitan.



"Tara bisitahin muna natin ang simbahan, gusto kong makamusta si Father Matt at baka magtampu na iyon sa akin" lubos namang natuwa si Jela sa sinabi ko kaya nag-imagine na siya ng kung ano ano.

Huwag lang yung ano ha.....basta yung ano.

Nagbihis muna ako ng dress at iniwan silang dalawa sa sala na nag-aaway.

"Ay naks may padress ang gaga" napatingin ako sa sarili ko, okay naman ang dress na suot ko ah. Binili to ni mama noong nakaraang linggo at ngayon ko palang siya masusuot. "May pinaghahandaan teh?" sumilay ang nakakaloko niyang ngiti na ikinakunot ng noo ko.

Balak ko nga sanang magsuot ng leggings pero in the end itong dress ang nasuot ko. Bigla kasing may nagpop out sa utak ko na ayoko ng maalala kaya ako napadress.

At saka.......gusto ko lang din maging presentable sa harapan ng mga tao noh.



Tama.



𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now