𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝑂𝑁𝐸

21 12 0
                                    

September 18 at ngayon na ang simula ng interschool tournament namin. Sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon pero hindi ko maiwasang maexcite.

"Anak manonood ako mamaya ng laro mo ha" inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa school nang pumasok si mama sa kwarto ko

"Wala ba kayong pasok ma?" inayos nito ang suot kong violet jersey jacket, ito ang jacket namin na kasama sa swimming tournament, sa loob nun ay ang damit na susuotin ko kapag lalaban na ako. Kulay violet din iyon na fit na fit sa akin. Hindi gaya sa iba na halos makita na ang singit, iba ang uniform namin. Mahaba ito hanggang pulso, at para itong leggings na hanggang sa paa ko.

Ayaw kasi ni Lennox na magsuot ako nung maikli at halos makita na ang kaluluwa ko. Nang makita niya nga ang ganoong damit ay halos sunugin niya na sa sama ng pagkakatitig. Kaya hindi ko pinilit na suotin dahil baka magkaroon pa ng sunog sa school.

"Mag leleave muna ako sa trabaho para panoorin ka, minsan lang ito mangyari kaya hindi ko ito palalampasin" pinabayaan ko nalang si mama na sumama at manood ng laro ko. Kasama niya naman si Nana na gusto ring manuod ng laro ko.

"Oh andito na pala ang sundo mo" pagkababa ko ay naabutan ko sa sala si Lennox habang kausap si papa. Naka jersey jacket din ito na kulay blue. Ang pogi pogi niya ngayon.


Hindi naman siya pumapangit kahit bagong gising pa.


Mas naging matangkad sya tingnan sa suot niya at napakalinis niyang tingnan.


"Good morning" lumapit ako sa kaniya at hinagkan niya ako sa noo. Ginagawa niya na iyon kahit sa harap pa ng mga magulang ko.

"Good morning, aalis na ba tayo?" Isinukbit niya na ang bag niya at maging ang bag ko ay inagaw niya.

"Ikaw, aalis na ba tayo?" palagi niya ring tinatanong sa akin ang isang bagay kung ayos ba sa akin o hindi bago niya bilhin, gawin o sabihin.

"Tara na" nagpaalam na kami kina mama at papa bago umalis. Mamaya pa daw pupunta sina mama dahil aasikasuhin niya pa si papa bago ito pumasok sa trabaho. Hinagkan naman ako ni papa sa noo at sinabihan ng good luck at God bless you.

"Asan na sina Franz?" naglalakad na kami papunta sa sakayan kung saan naroon na si Mang Pablo.

"Uyyy Iyah, good luck" napatigil ako ng makita si Bulldog na nakasakay sa tricycle. "Nagpapasada na din ako ngayon, tama ka. Dapat hindi ko sinisira ang buhay ko" kusa akong napangiti nang makita ko ang kaibigan kong pinipilit na baguhin ang sarili para sa ikakabuti niya. Proud ako sa kaniya dahil nakaya niyang iwan ang kaniyang bisyo.

"Mabuti naman Bulldog, ipagpatuloy mo iyan" umalis na kami at nagtungo kay Mang Pablo.


Doon na rin pala sina Franz at naghihintay sa amin.


"Ang ganda natin ngayon Iyah ah" hindi na tinangka pang lumapit ni Von dahil nakaabang na sa gilid ko si Lennox. "So possessive" ayan nanaman siya.

"Lets go" masaya kong sabi, excited na ako. Tinawag nila si Bulldog dahil hindi naman kami kasya sa iisang tricycle.


Makalipas ang sampung minuto halos hindi na namin mabilang ang tao sa sobrang dami. Andito na ang ibat ibang school magmula sa ibat ibat lugar. Agaw pansin agad ang mga kasama ko dahil sa tangkad, puti, at pogi nila. Para nga akong salimpusa dito sa gitna nila.

Hinila agad ni Lennox ang bewang ko at saka kami naglakad papasok. Ganito siya palagi kapag maraming tao, ayaw niya kasing pinag-uusapan at pinagpapantasyahan siya ng iba. Gusto niya ako lang daw ang magpantasya sa kaniya. Tsk

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now