𝑇𝐸𝑁

26 14 0
                                    

Hanggang sa mag lunch break ay badtrip ako, nakasimangot ako buong klase at kahit pagsagot sa tanong ng teacher ay hindi ko magawa.


Nakakainis dahil masyado akong nagpapaapekto.


Ano naman kung tinanggap niya iyon?


Ano naman kung sabay nilang kinain yun?


Boyfriend ko ba siya?


Napangiti ako ng mapait, oo nga pala hindi ko siya boyfriend para umakto ng ganito. Pero hindi ko mapigilan dahil kusa ko lang din naman itong nararamdaman. Ganito pala talaga kapag inlab ka. Letse

"Kanina kapa nakabusangot ah" puna ni Jela, si Macoy ang nag-order ng pagkain para sa amin.

"Wala" sumadal nalang ako sa upuan ko saka pinagmasdan ang mga taong masayang kumakain.

"Wala daw.....lalaki yan noh" napasulyap ako sa kaniya pero di ko siya sinagot, lakas talaga ng pakiramdam ng isang to. "Sinasabi ko na nga ba" hindi na rin siya nagsalita hanggang sa dumating si Macoy.


Tahimik lang ako habang silang dalawa ay nagdadaldalan.


"Pupunta ka ba Iyah?" bumalik ako sa tamang wisyo at tumingin sa kanilang dalawa.

"Ha?"

"Hay naku, sasama kaba sa amin mamaya?" ulit ni Jela

"Saan?" Hindi ko na nasusundan ang topic nila sa sobrang gulo ng utak ko.

"May practice mamaya ng voleyball boys, balita ko maraming bago daw na player kaya pupunta ako para makilatis hehe" sus ang sabihin mo maghahanap ka lang ng gwapo, tsk.

"Pass muna ako" sumimangot naman sila pareho pero wala akong pakialam.

Pinauna ko si Macoy sa room dahil pupunta pa ako sa cr. Ibang room naman si Jela kaya nauna na din ito.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon inilabas lahat ng sama ng loob ko, este ihi ko pala.

"Alam niyo na ba ang news?" agad na nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang boses niya, hanggang dito ba naman?

"What is it Timmy?" hindi muna ako lumabas dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

"Sumali sa volleyball team sina Lennox at ang apat nitong kaibigan, gosh pupunta talaga ako para suportahan siya" bigla akong natigilan sa narinig, tama ba ang pagkakarinig ko?


Iyon ba yung sinasabi kanina ni Jela?


Hindi ko namalayan na nakaalis na pala sina Timmy, kaya agad akong lumabas. Gosh, sa sobrang occupied ng utak ko hindi ko na naiintindihan maski sinasabi kanina ni Jela, yun pala yun? Shet!!!!!

"Eheem" napatigil ako sa pagkakamot ng ulo at tiningnan ang paligid ko, may nagsalita ba? "Eheem" naulit muli iyon pero sa likod ko na nanggaling. Dahan dahan akong napalingon at halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Shet ulit!!!

"L-Lennox?" kinusot ko pa ang mga mata ko pero totoong nandito talaga siya sa harap ko. "A-anong ginagawa m-mo dito?" nakita ko pa ang pagkamot niya sa batok saka itinaas ang hawak niyang basket. "Ano yan?" Pamilyar ang basket na iyon.

"Kumain na ako, itatapon ko sana pero sayang" naalala ko na, ito ang basket na bigay kanina ni Timmy, kahit nalilito ay tinanggap ko pa rin iyon.

"Bat di mo kinain?" pangalawang beses niya nang binibigay sa akin ang mga bigay sa kaniya ni Timmy, kahit nalilito ay hindi ko maiwasang mapangiti. Parang biglang natunaw lahat ng inis at selos ko kanina.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now