𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌 𝑂𝑁𝐸

15 8 0
                                    

"How many times do I have to tell you na huwag kumain nang chocolates?" kahit sa ikalawang palapag ay naririnig ko pa rin ang boses nang kapatid ko. Hindi pa rin nagbabago, masyado pa ring maingay.


Isinukbit ko na sa aking balikat ang isang sling bag ko saka kinaladkad ang isa ko pang maleta.


Tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin, white fitted dress na kitang kita ang mahaba kong legs, lalo rin akong pumuti at mas tumangkad pa. Halatang pumayat pero hindi nawala ang curves ko sa katawan.

Mas lalo ring pumayat ang mukha ko dahil sa pina-ikli kong buhok, hanggang leeg ko na ito na hindi ko inaasahang babagay sa akin. Sadyang wala lang talaga akong magawa noon kaya pinakialaman ko ang buhok ko.


"Ate malelate na tayo" sa huling pagkakataon tinitigan ko muli ang sarili ko.


Ang laki laki na nang pinagbago mo. Kahit ako hindi ko na rin makilala ang sarili ko. Basta isang araw ganito na ako. Tinanggap ko na lang lahat.


Di na ako nagtataka kung bakit ganoon basta tinanggap ko na lang. Wala naman kasi akong magagawa kundi sumabay sa agos ng buhay.


"Oh handa na ba lahat nang gamit niyo? Baka may maiwan kayo ha" binigay ko kay Mang Bert ang mga bagahe ko, at bumaba na para dumalo sa kanila. "Oh Iyah anak, andiyan ka na pala, tara na umalis na tayo at baka maiwan tayo ng eroplano" halos hindi magkamayaw sa paparoo't parito si mama.


Natatawa na lang ako sa kaniya at
napapailing.


"Eh anong naririnig ko kanina? Ano nanamang ginawa mo Catalina?" lumingon sila sa akin sabay lingon sa batang nakasimangot pero cute na cute pa rin. Nagpacute ito sa akin sabay lapit. Hindi ako nagpaapekto sa kakyutan niya at nanatiling seryoso ang mukha ko.
.

Ang sarap pisilin nang pisngi niya, ang tataba kasi. Iyon ang madalas kong gawin bago matulog dahil iyon ang nagpapawala nang pagod ko.

Napakaputi din nang balat niya at kahit four years old palang mahaba na ang mga biyas niya. Mas matangkad nga siya sa ibang four years old na kilala ko.


"Ano nanaman iyon Catalina? Kumain ka nanaman ba ng chocolates? Diba masama iyon sayo? Ilang beses ko ng sinabi iyon ah" yumakap siya sa legs ko at namungay ang mga mata niyang namumula na at malapit ng umiyak.


Ganito siya palagi kapag napapagalitan ko, kaya sa huli hindi ko din siya matiis dahil sa sobrang cute niya.


"M-Mo.....M-Mommy....I-Im.....I-Im s-sorry" umupo ako para magpantay ang mukha namin. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. Bakit ba sobrang cute ng batang to? Ang iba nga napagkakamalan na siyang barbie.

"Hindi na galit si mommy, basta huwag mo ng uulitin ha? Masama iyon sayo" tumango tango siya at pinunasan ang mamula mula niyang mata.

"Bat sa kaniya ka lang nakikinig?" nagtatampo kunwari si Nana, pero binelatan ko lang siya at binuhat na si Catalina.

"Let's go.....lets go back to the Philippines!!" sabay sabay kaming umalis at dumiretso sa kotse.


Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa airport at sakto lang ang dating namin dahil paalis na ang eroplanong sasakyan namin.


"Matulog ka muna Catalina, mahaba haba ang biyahe natin" tumango lang sakin ang cute na paslit at sumiksik sa leeg ko, maya maya lang ay narinig ko na ang mahina niyang hilik.

Walang nagdaang oras na hindi ako tumatawa dahil sa batang ito. Magmula nang dumating siya sa buhay ko, siya na ang pinag-kaabalahan ko, sa kaniya ko na inubos lahat ng oras ko. At laking pasalamat ko sa Diyos na dumating siya sa buhay namin........sa buhay ko.


𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now