𝑃𝐴𝑅𝑇 2

15 7 0
                                    

Lahat nang nagmamahal ay nasasaktan din.

Kahit sabihin mong ginawa mo na lahat, may mga tao pa ding hindi makontento.

Para sa iyo tama na pero sa kanila kulang pa.

May nagmamahal din na halos wala nang itira sa sarili.

Hindi na maayos ang sariling buhay dahil busy sa kakaayos nang buhay ng iba.

At sa huli, ang mga tunay na
nagmamahal pa ang naiiwan.

Kung sino pa nga ang tunay magmahal at seryoso sila pa ang madalas maiwan at maloko.

Pero sa bawat sakit at luha, alam kong natututo tayo.

Hinuhubog tayo noong mga panahong nasasaktan at umiiyak tayo.

Marami tayong natututunan sa bawat sakit na nararanasan natin.

At iyon ang basehan natin para hindi na muling gawin ang mga bagay na nagawa natin noon na nagbigay sa atin nang matinding sakit.

Sabi nga nila, "Improve yourself, but never change. Be someone better, but stay as yourself. Forget about who hurt you yesterday, but don't forget who loves you everyday. Forget the past that make you cry and focus on the present that make you smile"





OWN ME SEXTON
by: _its_BangBang

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now