𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝑆𝐸𝑉𝐸𝑁

15 10 0
                                    

Pagkababa ko sa gate agad kong tinext si Lennox, hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at naglakad na ako papasok sa loob. Finals na namin ngayon, alas onse ng umaga ang finals namin at balita ko makakalaban ko ulit si Laika.

Finals din nila Lennox ngayon, hindi ko lang alam kung sino ang makakalaban nila. Pero paniguradong panalo na sila, ang galing galing niya eh. Manonood nga ako, hindi naman sabay ang game namin eh.

Nagtext sa akin si Jela na nasa canteen daw siya kaya doon ako dumiretso.

"What happened?" mugto ang mga mata nito nang lumingon sa akin. "Bakit? May nangyari ba?" hindi ko maiwasang kabahan ng makitang dumausdos ang mga luha sa mata niya.

"Iyah" agad siyang lumapit sa akin at yumakap. Sa balikat ko siya humagulgol at walang pakialam kung maraming nakatingin sa amin ngayon.

"Ano bang nangyari? Please tell me kinakabahan na ako eh" kumalas siya sa akin at pinunasan ang mga luha.

"Iyah.......naghiwalay na sina mama at papa" at muli itong umiyak, hinagod ko ang likod niya para patahanin.

Kilala ko ang mga magulang niya, matagal na itong may alitan sa isat isa, hindi lang sila nagkakahiwalay dahil kay Jela. Pero ngayon, nakaya na  nilang maghiwalay nang hindi naiisip ang anak nila. Hindi naman kasi sila ang magdurusa eh, ang anak nila ang tunay na magdurusa. Hindi nila iyon naisip bago magdesisyon.

Matagal kaming nanatili doon dahil matagal pa bago tumahan si Jela, nagsuot na nga siya ng sun glasses dahil sa pamumugto ng mata niya.

"Pakatatag ka, nandito lang ako para sayo. Kung kailangan mo ako huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin" laking pasalamat naman niya sa akin bago kami umalis doon. Papunta na ako sa laban ko dahil maya maya ay magsisimula na ito.


Sinilip ko pa ang phone ko pero hanggang ngayon wala pa ring text si Lennox. Naisip ko siguro.....naubusan siya ng load kaya hindi makapag text back sa akin. Inintindi ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.


"I saw Lennox earlier, kasama niya yung babaeng nakausap mo noon sa labas ng cr" napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko pinahalatang naapektuhan ako. "Bumili sila sa canteen kanina, akala ko nga ikaw pero naisip ko na hindi ka naman ganoon manamit, ang laswa kasi" pinilit ko nalang ngumiti at pinigilan ko ang sarili kong magkomento. Ayokong magconclude ng mga bagay na hindi pa ako sigurado.

Alam kong, matalik nilang kaibigan si Safira kaya hindi ko na dapat kwestyunin ang pagiging close nila sa isat isa. Dahil simula pa lang, sila na ang magkasama bago kami.

Hanggang sa cr ay hindi ko maiwaglit sa isip ko ang nalaman ko ay Jela. Ayokong mag overthink pero hindi ko mapigilan.


Lennox.


Tinext ko ulit siya na magsisimula na ang game namin, hinintay ko pa ang text niya pero wala talaga. Hinanap ko siya sa paligid pero kahit anino niya ay hindi ko nakita.

Nanghina ako at nawalan ng lakas, parang nawalan ako ng inspirasyon para lumaban ngayon. Si Jela lang ang kasama ko ngayon, pero dahil may problema siya hindi ko siya makausap ng matino. Bakit ngayong finals pa nawala ang mga taong inaasahan kong susuporta sa akin?

Nangilid ang mga luha ko pero agad ko iyong pinahid. Kailangan kong magconcentrate, dapat manalo ako kahit wala sila dito. Ipapanalo ko ito para sa kanila.

"Ate" sumulpot sa harap ko si Nana na may dalang Banner.



'𝐆𝐎 𝐀𝐓𝐄 𝐈𝐘𝐀𝐍𝐍𝐀𝐇, 𝐘𝐎𝐔 𝐂𝐀𝐍 𝐃𝐎 𝐈𝐓. 𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐒𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐔𝐃 𝐎𝐅 𝐘𝐎𝐔'



𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now