𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝐹𝑂𝑈𝑅

17 12 0
                                    

Agad akong tumakbo para sundan si Lennox. Todo hingi ng sorry sa akin si Macoy pero hindi ko na siya tinuunan ng pansin dahil ang buo kong atensiyon ay nasa iisang lalaki lang.

Hingal na hingal ako na lumabas ng hospital. Agad ko siyang hinanap sa paligid pero hindi ko siya makita. Lakad takbo na ang ginawa ko para makita lang siya. Hindi ko alintana ang mga taong sinusundan ako ng tingin.

Naabutan ko siya na nakatayo at nakatalikod sa akin. Katabi niya ang tricycle ni Mang Pablo.

Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan siya, pero nanaig ang kagustuhan kong makausap siya at makapagpaliwanag.

Nang makalapit ako sa kaniya agad siyang lumingon sa akin, ganoon parin ang hitsura niya pero hindi niya ako magawang tingnan.

"Get in" hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa tricycle, tumabi siya sa akin pero laking dismaya ko nang mag-iwan siya ng maliit na espasyo sa gitna namin. Hindi ko maiwasang paligiran ng luha kaya agad akong napaiwas ng tingin.


Hindi ako sanay nang ganito kami.


"L-Lennox----" magsasalita pa lang sana ako nang pigilan niya ako.

"May gusto siya sayo" hindi siya nagtatanong. Batid kong narinig niya ang sinabi sa akin ni Macoy, pero gusto kong malaman niya na wala akong nararamdaman para sa kaibigan ko.

"I-Iyon ang sabi niya.....pero ikaw ang gusto ko" pahina nang pahina kong sagot, sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

Huminga lang siya ng malalim at hindi na nagsalita. Panay ang sulyap ko sa kaniya samantalang siya ay nasa labas ang paningin. Hanggang sa makarating kami sa school ay walang nagtangkang magsalita sa amin.


Ayoko nang ganito kami. Ayokong nag-aaway kami. Hindi.....hindi ko kaya.


"Bayad naming dalawa" inabot niya ang bayad kay Mang Pablo saka walang paalam na umalis. Dali dali akong sinundan siya kahit nahihirapan sa pagtakbo.

"Lennox sandali....sandali lang. Lets talk....please?" napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya pa rin ako nililingon. "Ayoko nang ganito tayo. Bati na tayo please?" namumuo nanaman ang mga luha ko, anong magagawa ko, ayaw nilang magpapigil eh.

"Magsisimula na ang laro mo" wala akong pakialam sa laro ko, kahit mahuli o hindi na ako makapasok sa finals wala akong pakialam.

"Ayoko, bati na tayo please. Wag kana magalit.....niyakap lang ako ni Macoy as a friend. Wala lang iyon, hindi naman mutual ang nararamdaman namin eh" huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin ng diretso. Pinahid ko ang mga luhang nakawala sa mata ko.

"Im not mad at you" lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Ayoko lang na.....may ibang nakakalapit sa iyo nang ganun. Gusto ko ako lang.....pagiging selfish man, but gusto ko akin ka lang. Im territorial, you know that....at hindi ko mapigilan ang sarili ko.....dahil ganito ako magmahal" niyakap ko siya ng mahigpit na sinuklian niya naman. "Gusto ko na....ang una kong mamahalin ay siya na din ang last. Gusto ko....ikaw na" sobra sobra ang galak sa puso ko habang pinakikinggan siyang magsalita nang ganito sa akin.


Hindi ko maiwasang maluha. Ako na pala ang gusto niyang makasama habang buhay.


Hindi ko man sabihin sa kaniya, pero siya na din ang gusto kong makasama habang buhay, sa hirap man o ginhawa.

"I love you" first time kong marinig sa labi niya ang mga salitang iyon, at nagdala iyon ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko. Hindi na maawat sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now