𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌

21 13 0
                                    

Kinaumagahan, maaga ulit akong pumasok. Limang araw nalang bago ang interschool tournament namin kaya puspusan ang ensayo namin. Hindi na rin kami masyadong nagkaklase dahil patapos na ang second sem namin.

"Jela, anong ginagawa mo dito?" naabutan ko si Jela sa harap ng room namin, balisa ito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. "May nangyari ba?" lumapit ako sa kaniya at hindi ko na napigilan ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.

"Si Macoy" at tumulo na naman ang mga luha niya. "Nasa hospital siya"

"A-anong nangyari?" namumuo na ang mga luha sa mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Kailangan natin siyang puntahan. Malala daw ang lagay niya" nitong mga nakaraang araw hindi ko na nakitang pumapasok si Macoy, hindi ko iyon pinansin dahil ganoon siya palagi kapag patapos na ang sem. Nasapo ko ang noo ko at saka bumuntong hininga. Hindi ko na nakamusta ang kaibigan ko, hindi ko inalam kung okay ba ito o ano.


Pumunta agad kami sa hospital na pinagdalhan kay Macoy, nagpaalam ako na hindi muna ako makakapractice dahil may nangyaring  emergency.


Kahapon daw dinala sa hospital si Macoy sabi ng tiyahin nito. Binugbog daw ito ng hindi mabilang na lalaki kahapon. Nang malaman ko iyon halos hindi ko na mailakad ang mga paa ko dahil sa panlulumo.


Pagkarating namin sa kwarto niya sumalubong sa amin ang tiyahin niya.


"Inaalam na ang mga taong gumawa nito sa pamangkin ko. Malalagot sila at titiyakin kong mabubulok sila sa bilangguan" pinatahan namin siya ni Jela saka ito nagpaalam na bibili muna ng makakain.

Nang makita ko ang kalagayan ni Macoy kusang tumulo ang mga luha ko. Napaiyak nalang sa isang tabi si Jela habang ang paningin ay nasa kaibigan.

Ang daming nakakabit sa katawan niya. May benda sa ulo, siko, at paa. Halos hindi ko na siya makilala sa dami ng sugat niya sa mukha.

"M-Macoy" sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kaniya, wala akong kwentang kaibigan. Hindi ko man lang inalam ang kalagayan ng kaibigan ko nitong mga nakaraang araw. Habang ako nagsasaya samantalang ang kaibigan ko.....ganito na ang sinapit. "Sinong.....may gawa niyan sayo?" hinawakan ko siya sa kamay, maging itoy puno din ng sugat.

"Iyah.....may tumatawag sayo" hindi ko napansing nag-iingay na pala ang phone ko, pinahid ko muna ang luha ko saka sinagot ang tawag.


(𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮?")


Boses ni Lennox ang sumalubong sa akin. Bigla ko tuloy siyang namiss.


(𝐍𝐚𝐬𝐚.....𝐡𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥) hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko.



(𝐖𝐇𝐀𝐓? 𝐖𝐇𝐘? 𝐀𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐎𝐊𝐀𝐘? 𝐀𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐇𝐔𝐑𝐓?)



Napangiti ako sa kabila ng pag-iyak ko. Siya lang talaga ang may kayang pangitiin at patawanin ako sa kahit anong sitwasyon.


(𝐈𝐦 𝐨𝐤𝐚𝐲, 𝐝𝐨𝐧𝐭 𝐰𝐨𝐫𝐫𝐲. 𝐒𝐢𝐧𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐢 𝐌𝐚𝐜𝐨𝐲 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐤𝐨)


(𝐈𝐬....𝐢𝐬 𝐡𝐞 𝐨𝐤𝐚𝐲?) naging mahinahon na ang boses niya.


(𝐍𝐨.....𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐲𝐚) napatingin ulit ako kay Macoy at hindi ko maiwasang maiyak. (𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧. 𝐈𝐦....𝐈𝐦 𝐬𝐜𝐚𝐫𝐞𝐝)


𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now