𝑇𝑊𝐸𝑁𝑇𝑌 𝐸𝐼𝐺𝐻𝑇

13 10 0
                                    

Napaupo ako sa sahig nang biglang bumigay ang mga paa ko. Napangiwi ako at hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha ko. Pero pinilit kong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Iyah" nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang kamay ni Lennox, nawalan na siya ng malay kaya mas tumindi pa ang kaba ko. "Dadalhin na namin siya sa hospital, kanina pa siya nahihilo pero pinilit niya pa ring maglaro" hindi ko magawang ituon ang paningin kay Von, sa kaniya lang nakatuon ang paningin ko at siya lang ang nakikita ng mga mata ko.

"Lennox" lumapit na din si Safira at kinuha ang isang kamay ni Lennox, hindi ko na iyon sinita dahil hindi iyon ngayon ang priority ko ngayon.


Inalalayan ako ni Jela na makatayo na hindi ko napansing nakalapit na pala sa akin. Binuhat na nila si Lennox at dinala sa naghihintay na ambulansiya sa labas. Hindi na ako nakasakay sa ambulansiya dahil naunahan ako ni Safira. Pinabayaan ko na lang para madala na nila si Lennox sa hospital.


"Iyah tara" kay Franz nalang ako sumama at nag-abang kami ng tricycle. Mabuti at nakaabang sa labas si Mang Pablo kaya nakasakay kami kaagad. Hindi maawat ang mga luha ko habang nananalangin na sana maayos lang ang lagay niya.

"Magiging maayos din ang lahat" pagpapatahan sa akin ni Jela pero ayaw makinig ng mga mata ko at ayaw maawat sa pagluha.

Ngumiti nang tipid sa akin si Franz at tumitig sa kawalan. Napansin kong panay ang buntong hininga niya. At kakamot sa noo minu-minuto.

Pagkababa namin sa tricyle, pumunta agad kami kung nasaan sila. Nakaalalay lang sa akin si Jela sakaling matumba ulit ako. Pero pinilit kong maglakad ng maayos para hindi na sila mag-alala pa sa akin.

"Oobserbahan pa daw siya sabi ng mga doktor" salubong sa amin ni Lester, dinala siya sa emergency room para suriin kung may bali ba ito o injury. "Dumating na ang oras"


Nag-usap silang apat sa isang gilid na hindi namin naririnig. Pinaupo ako ni Jela sa silya at doon ko lang naramdaman ang matinding pagod.


"Naku Iyah, mas lumala pa ang paa mo. Mabuti pa, ipatingin na natin iyan dito" umiling lang ako ng paulit ulit sa kaniya. Wala na din akong lakas para magsalita pa. Ayokong intindihin ang sarili ko dahil ang inaalala ko lang ay si Lennox. Wala na akong pakialam sa kung anong pwedeng mangyari sa akin.



Sana maayos lang siya.



Sana walang masamang nangyari sa kaniya .


"Iyah, mabuti pa umuwi ka muna. Magpahinga ka naman. Alam kong hindi na maganda ang pakiramdam mo, at iyang paa mo kailangan na iyang malunasan" nakita ko sa orasan ng hospital na ala singko na ng hapon, halos isang oras na si Lennox sa loob ng ER. Kamusta na kaya siya?

"Kaya ko pa naman.....hihintayin kong magising siya" hindi pa rin mawala ang panginginig ng buo kong katawan, ang takot at kaba ko ay nasa sistema ko pa. Hindi ito mawawala hanggat hindi ko siya nakikitang ligtas.

"Palaging siya nalang ang inaalala mo. Paano naman ang sarili mo? Kailangan mo din ng pahinga" bakas sa mukha niya ang inis pero hindi niya maitago ang matinding pag-aalala. Napaka swerte ko at may kaibigan akong kagaya niya.

"Gustuhin ko man pero hindi ko kaya"  natigilan siya at malungkot na tumitig sa akin. "Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko natitiyak na........na ligtas siya" napahinga siya ng malalim saka hinayaan nalang ako. Nanatili siya sa tabi ko, at doon pa lang laking pasalamat ko na.

"Safira" tatayo na sana ako pero agad na kumirot ang paa ko, tiniis ko ang sakit at iika ikang lumapit sa kanila. "Kamusta na siya?" tanong ni Iverson, doon ko lang napagtanto.......siya pala ang kasama ni Lennox sa ER sa mga nagdaang minuto. Hindi ko maiwasang mainggit.......ako sana iyon eh.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now