𝑆𝐼𝑋

34 18 0
                                    

Araw ng linggo ulit, it means magsisimba ulit kaming pamilya, wala pang alas otso ay nasa sala na ako at tapos na sa pagbihis.

Takang taka si mama kung bakit ako pa ang nauna kaysa sa kanila, kadalasan kasi ako ang palaging nahuhuli sa amin. Pero hindi ko nalang sila pinansin ni papa na maraming haka haka tungkol sa pagiging maaga ko.

As usual, dumaan ulit sina mama at papa kay Aling Marites dahil may new chika daw ito, dahil pambansang chismosa ang mga magulang ko hindi alintana na sa simbahan ang punta namin.

"Nabuntis na si blah blah blah blah" napairap nalang ako dahil wala silang ibang magawa kundi pakialaman ang buhay ng iba, hayyyst.

Katabi ko si Nana dito sa tindahan nina Aling Maria, nagulat nga ako ng di ko makita sina Bulldog dito.

"Oh Mang Ants, anong ginagawa niyo diyan?" lumabas siya mula sa tindahan nina Aling Maria na pawis na pawis, bahagyang bukas pa ang zipper ng kaniyang pantalon.

"Ahh....nag exercise lang" exercise daw!!! Kung di ko pa alam na palagi silang may duty ni Aling Maria dito sa tindahan nila, at yung mga bikini at bra na palagi niyang inaamoy ay kay Aling Maria din. Ibang klase din si Mang Ants, lakas ng appeal kahit hindi pa nagsisipilyo hanggang ngayon.

Matapos ang simba nagpaiwan muna ako dahil may gusto pa akong gawin. Inantay ko munang mawala ang mga tao bago dumiretso sa ikalawang palapag ng kumbento, nakasalubong ko pa si Lester na may date daw ngayon, hmmmm!!

Nang dumating ako sa taas nakita ko kaagad si Father.

"Father" lumingon naman siya sa akin at saka huminto

"Bakit iha?" nagmano muna ako bago humarap sa kaniya.

"Father may itatanong lang po sana ako" hindi kasi ako mapanatag kapag di ko natanong kay Father ito.

"Ano iyon Iyah?"

"Pinatapon niyo na po ba ang ilang gamit sa bodega?" andun pa kasi ang ilang gamit ko lalo na ang diary ko, hindi pwedeng mawala iyon dahil napaka importante nun sakin.

"Hmmmmm, ang mga gamit mo ba ang inaalala mo?" tumango naman ako na siyang ikinangiti niya. "Wag kang mag-alala, nakatago lahat doon sa kwarto ni Lennox, tinulungan niya pa nga akong iligpit ang mga iyon ihh"

Si Lennox?

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Father, mabuti at nasa mabuting kalagayan ang mga gamit ko sana lang hindi mabasa ni Lennox ang diary ko.

"Father, alis na po ako" sabay kaming lumingon ni Father sa nagsalita.

"Oh sige Lennox, mag-iingat ka" tumango ito kay Father saka tumingin sa akin.

"San ka pupunta?" hindi naman ganoon kabongga ang suot niya kaya siguro sa labas lang siya ng simbahan pupunta.

"Siya na daw ang mamamalengke dahil kapwa busy ang ilang sakristan dito" mamamalengke? Tama ba ang narinig ko? May pumasok nanamang ideya sa napakaganda kong utak.

"Samahan ko na po siya Father, baka maligaw pa siya ihh, marami pa namang bakla at tambay sa kanto, at saka marunong akong mamili ng mga fresh na gulay at isda" hindi ko na hinintay na magsalita si Father at hinila ko kaagad si Lennox, wala namang angal siya sa likuran ko. Isa ulit to sa mga ipinagbabawal na teknik ko, bwahahaha.

Nang makita ko si Mang Pablo agad akong kumaway sa kaniya para sumakay, hindi niya ata nagets at kumaway siya pabalik sa akin, ano ba naman iyan! Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa likuran ko, shet.....ang gwapo niya talaga tumawa, mabuti at wala akong panty ngayon kaya walang baba sa tuhod ko, puro maluluwag na panty ko ihhh, magpapabili na nga ako kay mama.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now