𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌 𝐹𝑂𝑈𝑅

13 8 0
                                    

"How's your day baby?" sinusuklay ko ang buhok ni Catalina habang namumungay na ang kaniyang mga mata. Nakasanayan ko nang suklayin ang buhok niya bago matulog.


"Im so happy mommy, namasyal kami nina Ninang Jela at mommy Nana. Maraming biniling bagong dress and shoes si Ninang for me" babae talagang iyon, kapag siya talaga ang kasama nagiging spoiled si Catalina, lahat kasi ng ituro ng paslit binibili niya kaagad. Napailing nalang, sa tingin ko lagpas limang libo lahat ng nagastos nun.

"Ate tawag ka ni papa sa phone" kinumutan ko muna si Catalina at hinagkan bago lumabas sa kwarto niya.

"Bakit daw?"

"Ewan, hanap ka niya eh"

"Sige na, ako ng bahala dito. Puntahan mo na doon si Catalina" kinuha ko ang telepono sa itaas ng mesa, alas otso na ah, bakit kaya gising pa si papa?
"Hello pa?"


(𝐻𝑒𝑙𝑙𝑜 𝑎𝑛𝑎𝑘? 𝐾𝑎𝑚𝑢𝑠𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑜𝑚𝑝𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑚𝑜?) Pinatay ko ang TV at umupo sa sofa


"Ayos lang naman pa, marami lang akong pinermahan na mga papeles kaya medyo napagod ang kamay ko" nung tanghali ay umalis din si Macoy dahil may aasikasuhin pa daw siya, at maya maya naman ang pumapasok sa opisina ko para bumati. Ayoko namang maging rude kaya nakikisama ako sa kanila. After all, sila ang makakasama ko sa paglago ng kompanya ko.


(𝐾𝑖𝑛𝑎𝑢𝑠𝑎𝑝 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑠𝑖 𝐸𝑛𝑔𝑖𝑛𝑒𝑒𝑟 𝑆𝐷, 𝑖𝑡𝑒𝑡𝑒𝑥𝑡 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑤 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝑚𝑒𝑑𝑦𝑜 𝑏𝑢𝑠𝑦 𝑝𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑖 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛) kusang tumaas ang mga kilay ko sa sinabi ni papa


"Busy pala siya pa eh, iba na lang ang kuhain natin. Iyong hindi busy at talagang matututukan ang kompanya ko" ayoko namang maging second option lang ang kompanya ko, mamaya pangit pa ang kalabasan ng proyekto. At base sa pangalan niya, alam kong babae siya. Hindi siya maghahanap ng lalaking engineer dahil alam niyang hindi ako matinong kausap sa ibang lalaki.


(𝑀𝑎𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘, 𝑠𝑢𝑏𝑜𝑘 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎. 𝐴𝑡 𝑠𝑖𝑘𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑘𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎. 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑖𝑐𝑎𝑐𝑎𝑛𝑠𝑒𝑙 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑜𝑗𝑒𝑐𝑡 𝑛𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛) halata sa boses ni papa ang panghihinayang kaya wala akong ibang nagawa kundi bumuntong hininga


"Fine, pero kapag pumalpak siya, ako mismo ang magpapaalis sa kaniya" narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.



(𝐴𝑡𝑒 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛?)  maaga akong umalis ng bahay dahil may natanggap akong mensahe galing sa engineer na pinadala ni papa.  Sabi nito, magkita daw kami sa isang cafe malapit sa kompanya ko. Alas otso ang sinabi niyang oras at saktong alas otso naman ako dumating.


"Imemeet ko today ang pinadalang engineer ni papa para magtrabaho sa akin. Ikaw na ang bahala kay Catalina, ipagluto mo nalang siya ng hotdog at egg, dont forget her milk" binaba ko na ang tawag at nagtawag ng waiter para umorder ng kape. Halos limang minuto nang late ang babaeng iyon. Paimportante masyado. Ano siya dito VIP?


Maaga akong nagising tapos paghihintayin niya lang ako.


Ang ayoko sa lahat ay ang mga paimportante at inaaksaya ang oras ko.


𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now