𝑂𝑁𝐸

46 22 0
                                    

"Anak, bilisan mo naman. Ano pa bang ginagawa mo? Baka malate tayo" sampung beses ko na atang naririning ang boses ni mama sa labas ng kwarto ko, kanina niya pa ako kinakatok pero hindi ko mapagbuksan dahil hinahanap ko pa ang nawawala kong sandals. Asan na kasi ang hinayupak na iyon, nakita ko pa yun kahapon sa drawer ko ah. Kung kilan kailangan doon pa nawawala

"Opo, sandali lang" sigaw ko pabalik kay mama, nagsalita pa siya pero di ko na pinakinggan dahil busy ako. Makita lang kitang medyas ka, makikita mo talaga ang hinahanap mo. Hinanap ko na siya sa banyo, ilalim ng kama, bookshelf, at closet ko. Ay sorry, wala pala kaming closet. Cabinet lang hehe.

After so many years, nakita ko na din siya. Sa drawer ko na puno pala ng condom siya nakalagay.

Condom?

Ahh....girl scout kasi ako hehe. Malay lang natin diba. Sinaraduhan ko ito ng mabuti dahil baka makita ng kapatid kong walang ibang ginawa kundi pakialaman ang mga gamit ko. Mahilig pa naman yun magbutingting ng kung ano ano.

Pagkalabas ko sa sala naabutan ko silang nakasimangot sa akin. Si mama lang pala.

"Ano ba naman iyan anak, bat ganyan suot mo?" reklamo ni mama, tiningnan ko ang suot ko, violet tube dress na hanggang legs ko saka heels, ano namang masama sa suot ko? Maganda nga ih, binili ko pa to last week para isimba ko nga ngayon "Simbahan ang pupuntahan natin, hindi club" nakataas na ang kilay nito habang nakatingin sa akin, napalingon naman ako sa kapatid kong si Acinah na hinahawakan ang itlog ng aso naming si Bayawak.

Hinahawakan?

Letseng babae to, pati ba naman itlog ng aso pinapakialaman.

"Ma, okay na to, baka malate na talaga tayo kapag nagpalit pa ako" palusot ko sa kaniya para di na ako pagbihisin pa. Isang oras akong nag-ayos tapos mababalewala lang pala.

"Oo nga, tara na magsisimula na ang simba" laking pasalamat ko at nakiayon sa akin si papa, the best talaga siya. Aangal pa sana si mama pero inakbayan na siya ni papa, wala na talaga siyang kawala ng halikan siya ni papa sa lips ng mabilisan, sa harap ko pa talaga naglandian. Nauna na silang maglakad sa akin palabas habang namumula ang mukha ni mama, hanggang ngayon kinikilig pa din siya, hayyst.

"Uyyy Acinah, diyan ka lang ba?" natauhan naman ito saka lumapit sa akin, dalawang taon ang tanda ko sa kaniya at nasa high school palang siya, samantalang ako nasa kolehiyo na. Isip bata siya minsan, pero minsan din matured mag-isip. Pero mas lamang ang kainosentihan niya.

"Ate may tanong ako" nacurious naman ako sa tanong niya dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Lumapit pa sa kaniya si Bayawak pero sinipa niya ito, ayun talsik sa kusina, kawawa naman. Kanina lang pinagsamantalahan niya pa ang aso.

"Ano iyon?" di ko alintana na naiwan na kami nina mama at papa na di ko alam kung ano na ang ginagawa.

"Wag nalang, baka di mo rin masagot" aalis na sana siya ng hilahin ko buhok niya pabalik. "Aray ko naman ate, makahila ka naman, hilahin ko buhok mo sa baba ih"

"Bwesit ka, matapos akong macurious sa tanong mo, di mo rin pala sasabihin. Sabihin mo na bago ka matulad kay Bayawak" napanguso naman siya saka lumapit pa sa akin. Ito na talaga.

"Bakit kapag nakikipagkaldag ang mga aso, matagal matanggal ang ari nila sa loob ng babaeng aso?"

Ay pvta!!!!!!

**************

Pagdating namin sa simbahan nagsisimula na nga ang misa, ako nanaman ang sinisi ni mama kung bakit kami nalate, ihh nauna pa nga kami ni Nana or Acinah dito sa simbahan kaysa sa kanila. Nakichismis pa kasi sila kay Aling Marites, tungkol sa anak ng kapitbahay niyang nakipagtanan sa isang construction worker, tapos ako ang sinisisi hayyst.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now