𝐹𝐼𝐹𝑇𝑌 𝑂𝑁𝐸

12 9 0
                                    

Halos takbuhin na nila ang kwarto kung nasaan si Iyah, walang paglagyan ang saya na kanilang nararamdaman. Sa wakas nagising na din siya, para silang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.

Ilang mga doktor ang natagpuan nilang sinusuri ang kalagayan ng nakatulalang dalaga. Ibat ibang pagsusuri ang ginawa nila bago sila pinayagang makalapit sa pasyente.

"A-Ate......are you okay? Naririnig mo ba ako?" inilapit niya ang mukha sa kapatid para makita siya nito, pansin niya ang pamumutla at pagpayat ng kaniyang ate. "Okay ka na ba ate? Thank God" niyakap niya ito ng mahigpit at doon umiyak. Labis ang tuwang nadarama niya na gising na ang ate niya.

Natawa naman si Iyah sa naging reaksiyon ng kaniyang kapatid. Pinilit niyang itaas ang kaniyang kamay para maabot ang ulo nito. Kahit kumikirot ay hinaplos niya ang ulo nito para mabawasan ang pangamba.


"M-Mommy" humiwalay si Nana kay Iyah at kinarga ang anak. Ngayon din ang araw na tinanggap niya sa kaniyang sarili na isa siyang ina ng batang cute na hawak niya. Sana pala noon niya pa ito ginawa.

"B-Baby.....m-mommy is okay" yumakap din sa kaniya si Catalina na patuloy sa pag-iyak, hindi na rin naiwasang umiyak ni Iyah dahil una niyang nakita ang pamilya sa paggising niya.

"Anak, buti at gising ka na. Salamat sa Diyos" lumapit na din ang kaniyang mga magulang para yumakap sa kaniya.

Perpektong pamilya. Iyan ang nasa isip ni Lennox habang nakamasid sa kanila. Ang sarap pagmasdan ng pamilyang nagmamahalan at nagdadamayan......bagay na kahit kailan hindi niya naramdaman.
Nakatitig siya sa babaeng nakahiga sa kama pero masaya......gustong niyang bumuo ng masayang pamilya kasama siya.

"Wala bang masakit sa iyo anak?" tanong ng kaniyang ina, pinakiramdaman naman ni Iyah ang kaniyang sarili, bukod sa mga sugat ay ang ulo niya ang kumikirot. Kanina niya pa ito iniinda pero ayaw niyang ipahalata sa kanila para hindi na sila mag-alala pa.

"Ang ulo ko ma......medyo kumikirot lang" napahawak siya dito para ituro kung saan ang masakit. Ngunit napako ang kaniyang paningin sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan. Nakatitig ito sa kaniya na parang siya lang ang nakikita nito. Bakas ang kasiyahan at lungkot sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano ang dahilan.

"Anak....nandito si Lennox" pinalapit nila ang binata na agad naman niyang sinunod, iyon yung bagay na kanina niya pa gustong gawin, pero ayaw niyang pangunahan ang pamilya nito. Nakangiti siyang lumapit at tumitig sa dalaga.

"M-Masaya ako.....na okay ka na" tumitig din sa kaniya si Iyah at saka ngumiti, iyon ang bagay na nagpagaan sa loob niya.

"S-Salamat" sa kaunting salita, nagbigay iyon ng kakaibang epekto kay Lennox na palagi niyang nararamdaman kapag nasa malapit ang dalaga. "Boyfriend ka ba ni Nana?" at sa isang iglap, ang kaninang masayang pamilya ay napalitan ng pagkalito at pangamba. Halos walang nakapagsalita sa kanila, nakanganga sa gulat si Nana at halos matumba naman ang mama nito sa pagkabigla.

"A-Ate" naguguluhang tawag ni Nana, hindi niya alam kung nagbibiro ba ang ate niya o ano.

"Boyfriend mo ba siya Nana? Hindi ka nagsasabi sa akin ha" siya lang ang natawa sa sinabi niya, at ang lahat ay halos lumuwa na ang mga mata sa gulat.

"A-Anak....hindi mo ba siya kilala?" naguguluhang tanong ng kaniyang ina, iyon din ang nagpagulo sa utak ni Iyah, nawala ang mga ngiti nito at tumitig sa binatang halos hindi na makapagsalita sa gulat.

"N-Ngayon ko lang siya nakita ma, sino po ba siya?" at doon na tuluyang bumigay ang mga tuhod ng kaniyang ina, mabuti at nasalo siya ng asawa nito.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now