𝑁𝐼𝑁𝐸𝑇𝐸𝐸𝑁

16 13 0
                                    

One week na lang bago ang interschool tournament namin. Todo practice na kami na halos isang buong araw ang paglangoy namin, kaya bawat uwi ko sa bahay ay kama agad ang hinahanap ko.

Its been a week nang simulang ligawan ako ni Lennox. Kapag naiisip ko iyon hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin. Walang palya siya sa paghatid at sundo sa akin. Alam na din nina mama at papa dahil nagpaalam siya sa mga ito. Botong boto naman sila sa kaniya kaya sobrang saya ng loko.

Palagi niya rin akong binibilhan ng meryenda kapag nasa practice ako. Pati ang mga kasamahan ko ay dinadamay niya.

Nandito ako ngayon sa practice namin pero hindi ako nagpractice dahil may dalaw ako ngayon. Nakaupo lang ako sa gilid habang dinadama ang sakit ng puson ko. Vacant kami kaya naisipan kong pumunta dito, hindi kasi pumasok si Macoy kaya wala akong makasama. Si Jela naman ay busy sa research nila.

Natarayan ko na ata lahat ng kasamahan ko dahil panay ang tanong nila kung nasaan daw si Lennox. Masakit na nga puson ko dadagdag pa sila.

Hindi rin ako nagtagal doon at balak ko sanang puntahan sila Lennox sa court, doon kasi sila nagpapractice ngayon. Pumunta muna ako sa cr at nagpalit, ito ang ayaw na ayaw ko kapag may dalaw ako, halos ubusin ang dugo ko kaya hindi ko maiwasang manlata.

Naglakad ako papunta sa court, ang dami kong nakakasabay na gusto ring manuod ng practice. Nainis lang ako ng marinig kong si Lennox ang pupuntahan nila doon. Balak ko sanang ipagsigawan sa kanila na nililigawan ako ng taong pinagpapantasyahan nila pero di bale nalang.


Pagrating ko doon agad na sumalubong sa akin si Iverson.


"Uy Iyah" nakipag high five ito sa akin. "Andun sila nagpapahinga, punta ka lang, bibili lang ako ng pagkain" at saka nilampasan niya na ako. Ako naman ay lumapit sa kinaroroonan nila. Parang katatapos palang ng practice nila dahil pawis na pawis pa sila.

"Nag bake ako ng cupcake for you" hindi ko inaasahan ang dadatnan ko doon. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang makilala ko ang taong nasa harapan ni Lennox. "Ako ang gumawa nito kaya talagang masarap" pinagkrus ko ang mga braso ko at matamang tumitig sa kaniya, hindi pa pala natatapos ang babaeng to.

"Eat na this. Say ahh" susubuan niya pa sana si Lennox pero umiwas lang ito sa kaniya. Buti nga. Biglang kumirot ang puson ko kaya napapikit ako sa sakit, biglang uminit ang ulo ko kahit wala namang umaaway sa akin.


Letse! Nagdidilim ang paningin ko, pigilan niyo ako.


"Iyah" nagulat pa sa akin si Von at agad na tumabi. Napatayo si Lennox at agad na lumapit sa akin.

"Hon....kanina ka pa ba diyan?" bakas ang kaba at takot sa boses niya pero hindi ko siya nilingon, nakapako lang kay Timmy ang paningin ko na ngayon ay halos pagpawisan na sa kaba. "Kumain kana ba?" hinawakan niya ako sa braso pero hindi ko pa rin siya nililingon. Baka magbago nanaman kasi ang isip ko kapag nakita ko na ang mukha niya, inaamin kong masyado akong marupok pagdating sa kaniya. Mainit ang ulo ko kaya paninindigan ko iyon.

"Hayyyy" bumuntong hininga lang ako saka napapikit ng mariin. Madali talaga akong mainis at magalit kapag meron ako. At dahil sa nakita ko, may pag-iinitan nanaman ako kahit hindi naman dapat.

"Saan ka pupunta?" naglakad ako palabas nang walang nililingon sa kanila, ayaw kong mainis sa kaniya dahil wala naman siyang ginagawang masama, masyadong maraming higad lang talaga sa paligid niya.

"Iyah.....Hon.....sandali lang" hindi ko siya nilingon kahit gustong gusto ko na. Naiinis pa rin ako, lalo na sa Timmy na iyon, alam na may nagmamay-ari na sa lalaking to patuloy pa rin sa paglandi. "Hon.....Im sorry, its my fault....Im sorry" humarang siya sa unahan ko at niyakap ako ng mahigpit. "Im sorry.....Im sorry....Im sorry.....Im sorry" hayyyy wala na. Bumigay nanaman ako.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now