𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌

17 10 0
                                    

"Inihatid ko na sila sa pier kaninang madaling araw. Siguro nasa kalagitnaan na sila nang dagat ngayon" hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sobra sobra na ito....hindi ko na kaya!!

"I-Iniwan na nila ako, Father" lumapit siya sa kinauupuan ko at hinaplos ang buhok ko. Sa ginawa niya lalo lang akong napahagulgol. "H-Hindi ako naging importante sa k-kaniya. A-Ang bilis bilis n-niyang makalimot"

"Huwag mong sabihin iyan iha" hindi, hindi niya talaga ako minahal, hindi ako naging importante sa kaniya dahil, dahil ang bilis niyang kalimutan ako, ang dali lang para sa kaniyang iwan ako dito. P-Parang..........parang wala lang sa k-kaniya lahat nang p-pinagsamahan namin.


A-Ang dali lang sa kaniyang kalimutan lahat iyon. A-Akala ko iba siya sa lahat. A-Akala ko mali ang sinasabi nila sa akin tungkol sa kaniya. S-Sana pala nakinig nalang ako sa k-kanila para hindi na ako nasaktan nang ganito.


"F-Father, m-mahal ko po siya....mahal na mahal ko siya, h-hindi ko na alam kung p-paano magsisimula, n-nasanay na ako na p-palagi siyang n-nasa tabi ko" hindi kailan man ako nahiya mag open kay Father, dahil alam kong hindi niya ako huhusgahan gaya nang iba. Siya ang itinuturing kong pangalawang ama, at turing niya naman sa akin ay parang isang tunay na anak.

"Pilitin mong mabuhay anak, kayanin mo....dahil walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lang din. Hindi kita pipiliting kalimutan lahat, dahil ramdam ko ang nararamdaman mong sakit, nanggaling na din ako diyan kaya naiintindihan kita" kahit papaano nakaramdam ako nang kaunting kaginhawaan dahil alam kong may isang taong nakakaintindi sa akin at handang pakinggan ang kadramahan ko sa buhay na walang halong panghuhusga.

"H-He broke his promise. W-Wala siyang isang s-salita, Father. S-Sabi niya......hindi niya ako i-iiwan" sinungaling siya!! Pinaasa niya lang ako!!

"There's a story behind every person. There's a reason why they are........the way they are"


Iyon ang tumatak sa isipan ko hanggang sa maglakad ako pabalik sa bahay namin, ang daming missed call sa akin ni Jela, tiyak alam na niyang wala ako sa bahay.


Naglalakbay ang isip ko sa kung saan, ayaw pa rin tumigil nang mga luha ko, hindi ako makapaniwalang.....sa isang iglap....ang dati kong mga nakasanayan bigla nalang naglaho.


"Where the hell did you go? Pumunta ka doon noh? Akala ko ba hindi ka na pupunta doon? You---"

"Inom tayo, ngayon na natin icelebrate ang birthday ko" pinilit kong ngumiti para takpan ang sakit na nararamdaman ko. Pumayag naman sila at pumunta kami sa malapit na bar.


Kahit may araw pa, sinimulan na namin ang pag-inom. First time kong uminom kaya medyo hindi pa ako sanay.


"Lets celebrate wohooo" lumapit ako sa kanila at pinag-untog ang mga baso namin. Wala naman silang sinabi at panay ang sulyap sa akin. Alam ko ang mga iniisip nila. Ayoko munang mag-isip nang kung ano ano ngayon, gusto ko munang takasan ang reyalidad kahit ngayon lang.

Lumipas ang isang oras, dalawa, tatlo, apat hanggang sa limang oras na kaming doon. Sinabayan na din nila ang pag-inom ko.

Medyo nahihilo na ako pero ang sakit nandito pa. Letse, kailan ba sila mawawala?


"Cheers sa mga iniwan" nilagok ko ang isang basong alak na naghatid sa akin nang matinding hilo.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jela, ngumiti lang ako sa kaniya at nag salin ulit nang alak. "Tama na, hindi ka sanay uminom" binawi ko ang baso sa kaniya at tuloy tuloy na nilagok iyon.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Onde histórias criam vida. Descubra agora