𝐸𝐼𝐺𝐻𝑇𝐸𝐸𝑁

19 14 1
                                    

"Kayo na ba?" paunang tanong niya nang makaorder kami ng almusal, bigla nga akong ginutom dahil sa sobrang kaba. Hindi naman siya mukhang galit, nababasa ko nga sa mga mata niya ang pangamba at pag-aalala.....pero hindi ko alam kung para saan o kanino.

"H-Hindi ah" kahit paulit ulit nilang itanong sa akin iyan, isa pa rin ang isasagot ko. Hindi naman talaga kami, wala kaming label for short. Pero alam kong pareho kami ng nararamdaman para sa isat isa. Nararamdaman ko kasi yun. Hindi naman ako nagmamadali eh.


Baka......baka hindi pa talaga siya handa. Hindi ko naman nakakalimutan kung ano ang pinagdaraanan niya ngayon.


"Ahhh" ang tangi niya lang naisagot habang sumusubo ng sphagetti. Masyadong malalim ang iniisip niya at pinapatay nito ang kuryusidad ko. Bahala na.

"May problema ba?" buong tapang kong tanong, bumuntong hininga siya saka tumingin sa malayo. Sa ginagawa niya lalo lang akong kinakabahan eh.

"Iisang tao lang ang may totoong alam kung bakit kami nandito. Walang iba kundi si Father Matt" hindi ko lubos akalain na bubuksan niya ang usaping tungkol sa kung anong ginagawa nila dito. Hindi ko iyon tinatanong sa kanila dahil nirerespeto ko sila, at ayokong manghimasok sa pribado nilang buhay.

"Sinabi sa akin ni Lennox kung bakit kayo nandito" halatang nagulat siya sa sinabi ko at parang hindi pa makapaniwala.

"Ginawa niya iyon?" tumango ako. "I see"

"Pwede magtanong?" ito na ang chance ko na malaman ang ilang bagay na gumugulo sa isip ko tungkol sa kanila at tungkol sa taong minamahal ko na ngayon.

"You can. I trust you, kaibigan ka na namin at mahalaga ka na sa amin" parang may humaplos naman sa puso ko dahil sa sinabi niya, mahalaga na pala ako sa kanila at ang sarap pakinggan nun.

"Ikwento mo naman sa akin kung paano kayo napadpad dito, kahit hindi na lahat" tumango siya saka umayos ng upo.

"Kaming lima ay mga matatalik na magkaibigan, magkakasama na kami since birth ata. Si Lennox......masasabi kong siya ang pinaka makapangyarihan at pinakamayaman sa aming lima. Nag-iisa siyang apo na lalaki ng bilyonaryo niyang lolo kaya sa kaniya ipinamana ang lahat ng ari-arian nito" bigla akong napayuko at nanliit sa sarili ko. Ganoon pala siya kataas samantalang ako ganito kababa. Dati proud ko pang sinasabi na bagay na bagay kaming dalawa.....pero ngayong nalaman ko na kung sino talaga siya....hindi ko na mabanggit kahit sa isip ko na bagay kaming dalawa.

"Dahil doon.....nagalit ang nag-iisang kapatid ng papa ni Lennox, ang tito Alexander niya, nagalit ito dahil hindi sa kaniya ipinamana ang kayamanan ng kanilang ama. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Lennox na pinagtatangkaang patayin siya ng kaniyang sariling kadugo" hindi ko maiwasang magalit sa tito ni Lennox na tinutukoy ni Franz, meron pala talagang ganoon tao na handang pumatay kahit sarili niya pang kadugo para lang sa kayamanan.

"At sa huli nitong pagtatangka doon na nadisgrasya si Lennox. Nahulog sa bangin ang minamaneho niyang kotse, sinira pala ang brake ng kotse niya kaya siya bumulusok sa bangin, kasunod niya kami nun kaya agad namin siyang nadala sa hospital. Sa kasamaang palad...." napatigil ito saka nagbaba ng tingin, damang dama ko ang lungkot sa boses niya. "Sabi ng doctor, nagka amnesia daw ito....pagkagising niya hindi niya maalala lahat kahit kami, kahit ang pamilya niya o kahit sarili niya pa. Isa lang ang naisip ko nung mga panahong iyon. Ang ilayo siya dahil kapag nalaman ng tito niya na buhay pa siya hindi ito titigil na patayin siya"

"Dinala namin siya dito sa Romblon, hindi alam ng mga magulang niya na inilayo namin siya, ang alam ng mga ito na nahulog ang minamaneho niyang kotse sa bangin at hanggang ngayon ay nawawala pa. Kapag nalaman nilang buhay pa si Lennox....hindi imposibleng malaman din ng tito niya. At iyon ang ayaw naming mangyari, hanggat hindi bumabalik ang alaala niya, mananatili kami dito"

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now