𝐹𝐼𝐹𝑇𝑌 𝐹𝑂𝑈𝑅

16 9 0
                                    

"Kamusta ka na iha? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nang mabalitaan ko ang nangyari sa iyo ay lubos akong nag-alala, halos ikaw na ang laman ng bawat panalangin ko. At salamat naman sa Diyos at nakalabas ka na ng hospital" nasa kusina kami ni Father Matt habang nagmemeryenda ng inihanda niyang sandwich at juice.

Dito niya ako dinala dahil maingay daw sa labas. Nagsisimula na ulit magtrabaho ang mga tao kaya maingay.

At saka baka hindi din ako makapag-concentrate ng maayos dahil sa mga bagay bagay sa paligid.

Sina Maccoy at Jela naman ay sa labas at nanonood sa mga trabahador, pero alam kong gustong lang makasilip nung bruha sa 'bebe' niya daw. Babaeng iyon para-paraan din eh.

Kaya palagi silang nagkakainitan ni Maccoy dahil sa mga kabalbalan niyang pinang gagawa na nadadamay pa ang lalaki.

Kaya sa huli ay pinapabayaan ko na lang silang magbangayan hanggang sa magsawa sila.

"Ayos na po ako Father, salamat po sa dasal niyo kaya gumaling ako kaagad" tumawa siya ng mahina at iniabot sa akin ang isang basong juice.

Medyo may katandaan na din si Father Matt, makikita sa mga puti niyang buhok na nagsisilabasan na, at may kaunting wrinkles na din siya sa mukha.

"Alam mo kasi-------"

"Father?" natigil kami sa pag-uusap ng biglang may magsalita sa likod ko.

Ininom ko muna ang juice at hinayaan silang mag-usap.

"Ano iyon iho?"

"Tawag po kayo ni Mang Antonio, may bisita daw po kayo sa labas" tumango si Father Matt sa kausap at humarap sa akin.

"Sandali lang ako iha"

"Opo Father" tumayo na ito at naglakad palabas. Pero ang presensiya ng taong kausap kanina ni Father Matt ay nasa likuran ko pa din.

Alam ko na kung sino siya dahil sa pagtambol ulit ng puso ko ng napakabilis.

Naging malikot ang mga mata ko at hindi na mapirmi sa isang bagay.

Nanginginig ang mga kamay ko na dinampot ang baso at uminom ulit.



Hindi na talaga tama ito.



"Excuse me" naibuga ko ang iniinom na juice ng bumalandra sa harap ko ang hubad niyang katawan, kitang kita ko ang malapad niyang dibdib at nag-uumapaw na eight pack abs, napalunok ako ng maraming beses at umiwas ng tingin. "Are you okay?"

Halata sa boses niya ang pag-aalala at akma siyang lalapit sa akin pero pinatigil ko siya sa dahil sa pagdaan ng juice sa ilong ko.

Nakakahiya naman kung makita niya akong ganoon.

"I-Im o-okay" umubo ako ng ilang beses at pinahid ang ilang butil ng luha na nakatakas. Nakakahiya talaga!!!!!

Ang sakit pala sa ilong nun. Kapag minamalas ka nga naman oh.

"Talagang okay ka lang?" iniangat ko ang paningin sa kaniya, pwera nalang tingin sa katawan dahil baka ano nanaman ang mangyari, medyo na conscious ako dahil sa katawan niya na nag-uumapaw sa kakisigan, walang wala ata dito ang katawan ni Adonis, hayyyyyyyy ano bang pinagsasasabi ko? "Basa pa ang ilong mo"

Bago niya pa maabot ang mukha ko ay kaagad na akong lumayo sa kaniya. Hindi ko na masabayan ang bilis ng tibok ng puso ko, na parang anumang oras ay kakawala na ito sa katawan ko.

Natatakot ako na baka marinig niya ang pagtibok nito sa sobrang lakas.

Hindi ko na alintana ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya na hindi ko alam kung bakit.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Kde žijí příběhy. Začni objevovat