𝐹𝑂𝑈𝑅𝑇𝑌 𝑆𝐸𝑉𝐸𝑁

22 8 0
                                    

"W-What are you doing here?" halos masampal ko ang sarili ko dahil sa pagka-utal sa harapan niya mismo. Tumayo ako ng tuwid kahit na nanghihina nanaman ang mga tuhod ko. Kita ko ang pag ngisi niya pero ng taasan ko siya ng kilay agad siyang nagseryoso.


"Anong ibig sabihin mo kanina?" nangilabot ako sa lamig ng kaniyang boses, napalunok ako ng ilang beses saka tumikhim. Naging malikot din ang mga mata ko at hindi mapirmi sa isang pwesto.


Ano bang nangyayari sakin?



This is not me!!



This is.......ugh!!



"What?" pinaikot ikot ko ang susi sa kamay ko kahit nanginginig ang mga ito. Tumitig siya sa akin na hindi ko talaga matagalan, dinilaan niya ang kaniyang labi na nag pawala sa buo kong sistema.

"Maghahanap ka ng iba?" napaiwas na ako ng tingin ng hindi ko matagalan ang pagtitig niya. Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito siya?

"M-Maybe......baka kasi nakakaistorbo ang pagtrabaho mo sa kompanya ko sa iba mong trabaho" sa mga taong dumaraan na ang paningin ko at hindi na ako nagbalak na tignan ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya, basta ang alam ko....this is not right!!

"Tsk!! Hindi ko tatanggapin ang trabahong ito kung marami akong ginagawa" halata sa boses niya ang pagkainis sa akin. "Kung may iba man akong ginagawa.....handa akong balewalain lahat ng iyon.....matrabaho ko lang ang kompanya mo" unti unti akong tumingin sa kaniya, at kita ko ang matinding pagod sa mga mata niya. Naging malumanay na din ang kaniyang boses na medyo napapaos.



"A-Ang gusto ko lang----"



"Ito ang gusto ko, Ms. President. At kapag ginusto ko, hindi ko kailanman iyon aayawan" biglang nanlabo ang mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin at umatras.


Matinding kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko, na hindi ko alam kung bakit at saan nagmumula.


Kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya at ang pag-iingat.


"S-Sige.....aalis na ako" hindi ko na makayanan pa kapag nagtagal pa ako dito, alam ko sa sarili kong unti unti nanamang bumabalik ang lahat.


"Okay, give me your key"


"Huh?" inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko at itinuturo ang susing nasa palad ko. Kahit nag-aalangan ay binigay ko sa kaniya ang susi.

"Let's go, may trabaho pa tayo" nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan siyang buksan ang pinto. "Get in" kusang kumilos ang paa ko at agad na pumasok sa loob. "Good" at umikot siya sa drivers seat saka umupo.



Ano bang nangyayari?



Hindi ko na masabayan ang mga pangyayari.



Nananaginip nanaman ba ako?



O ilusyon lang ang lahat ng ito?



"Wheres your car?" alam kong may dala siyang kotse, hindi ko nga lang alam kung saan niya pinark.

"Pinahiram ko kay, Baby" damn that word. Napairap ako sa hangin at tumingin sa bintana. "Bakit mo siya hinayaang umalis mag-isa? Dapat ikaw ang nagdrive sa kaniya pauwi" kung gf niya man iyon, sana naman maging gentleman siya, tsk. Kita ko ang paglingon niya sa akin pero nasa bintana lang ang paningin ko, ayaw kong tignan siya dahil baka maasar nanaman ako sa kaniya.

"Kaya niya namang umuwi mag-isa eh. Saka marunong siyang magdrive"

"Kahit na, dapat maging gentleman ka sa kaniya" mahihimigan na ang inis sa boses ko kaya panay ang lingon niya sa akin.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu