𝐹𝐼𝐹𝑇𝐸𝐸𝑁

18 14 4
                                    

Maaga pa lang ay pumunta na ako sa kumbento, hindi ko kasama si Nana dahil sobrang napagod daw ito kagabi kaya mamaya na daw siya papasok.

"Uyyy Iyah, ang ganda natin ah" as usual andito nanaman sila sa paborito nilang tambayan. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Hindi ka na ba talaga magbabago Bulldog? Sa harap ka pa naman ng simbahan pero kung uminom ka parang iyan na ang bumubuhay sa iyo ah" matanda ng tatlong taon sa akin si Bulldog pero naging kaklase ko siya noong elementary. Hindi na siya nakapag-aral ng high school dahil maaga siyang naulila. Iniwan siya ng kaniyang ina at sumama sa iba, namatay naman ang tatay niya dalawang taon na ang nakakaraan.

"Pasensiya na Iyah" ibinaba nito ang hawak na bote at tumingin sa akin. "Ito lang ang nakakapagpagaan ng loob ko eh. Dahil dito kaya nalilimutan ko pansamantala ang mga problema ko" kahit ganito si Bulldog naging mabuting kaibigan ito sa akin, siya palagi ang nagtatanggol sa akin noon. Kaya tinutulungan ko din siya kapag kailangan niya ng tulong ko.

"Tama na ang pag-inom. Ayusin mo ang buhay mo....huwag mong sirain" tumango tango siya habang nakayuko, papaiyak na siya kaya tinapik ko ang balikat niya. "Kung kailangan mo ako, huwag kang mahiyang tawagan ako"

"Salamat Iyah" pinahid nito ang mga luha niya saka suminghot singhot.

"Ayusin mo na din mukha mo, masakit na sa mata eh" pareho nalang kaming natawa saka ko siya iniwanan doon. Hayyy sadyang mapaglaro ang tadhana sa kaniya, pero alam kong balang araw magiging maayos na din ang buhay niya, malayo sa gulo at sakit.

"San ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad ng may sumabay sa akin

"Lennox?" kanina pa ba siya diyan? Bat hindi ko man lang naramdaman?

"Susunduin sana kita pero nakita kitang papunta na dito, ang aga mo ata?" naka school uniform na ito at medyo basa pa ang buhok. Ang hot.

"Wala lang, para makasabay ulit ako sa inyo" ngumiti ako ng malawak na sinuklian niya rin.

"Tinext kita pero hindi ka sumagot, kaya pupuntahan na sana kita sa inyo" agad ko namang chineck ang phone ko at mayroong 5 missed calls at 10 messages nga ito, at lahat ng iyon ay galing sa kaniya.

"Hala naku sorry, hindi ko napansin sorry talaga" tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Wala iyon, ok na ako dahil nakita na kita" kumindat pa siya kaya halos mahulog na ang puso ko sa lupa, ang lakas niyang magpakilig shet!!! Ang galing bumanat, baka nagamit niya na iyan sa ibang babae tsk.

"Bakit?" napansin niya ang gusot kong pagmumukha kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Ilang babae na ang sinabihan mo ng banat na iyan ha?" napalunok naman siya saka umiwas ng tingin....mas lalong naningkit ang mga mata ko.

"Wala.....sayo lang kaya ako ganito" hindi ko inaasahan ang sagot niya kaya hindi agad ako nakasagot, napipi ako at ayaw mawala nang ngiti sa labi ko.

"Letse tara na nga, ang galing mong magpakilig grabe. Baka ano pa magawa ko sayo" hinatak ko siya at kinaladkad, narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa at pinagsaklop niya ang mga kamay namin. Hindi pa kami mag-on sa lagay na ito ha. Pero ayoko munang isipin ang label namin, dahil masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.


Sabay sabay kaming pumasok sa school gaya ng nakasanayan. Pero hindi namin inaasahan ang mga taong nakaabang sa gate. Agad ko silang nakilala kaya umakyat ang kaba sa puso ko.


"Ano nanaman kayang kailangan nila?" narinig kong bulong ni Lester, kilala ko ang mga taong ito at masyado silang matakaw sa gulo.

"Brix" tawag ni Franz sa lalaking nasa harapan, siya ang team captain ng volleyball team na nakalaban at natalo nila noong nakaraan. Kasama nito ang mga barkada niya na kasali rin sa volleyball.

𝑂𝑊𝑁 𝑀𝐸 𝑆𝐸𝑋𝑇𝑂𝑁!Where stories live. Discover now