CHAPTER FORTY-SEVEN

Start from the beginning
                                    

"Hey..." I sighed. "Are you hungry? How's your surprise?"





The moment I heard the question, naramdaman ko ang bahagyang panunubig ng mata ko kung kaya't pasimple kong pinunasan ito. Nararamdaman ko rin ang tingin nang iba pa sa 'min na tila hinihintay din ang sagot ko.





"My surprise went... w-well." Ngumiti ako sa abot nang aking makakaya. "Nagustuhan niya."





"Good to hear that," she said. "But where is he?"






"He has a lot of things to do so he won't be able to come," pagdadahilan ko. At wala na siyang dahilan para pumunta pa. Of course! I don't wanna see him... them. Hindi ko pa kaya. "I... I just go to my room para magpalit. I'll be back."





Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis ko na lang siyang nilagpasan. She's too near to me that she might notice that there is something wrong with me. I know I shouldn't have done that pero baka kapag nagtagal pa ako, baka mapansin na nilang lahat and I don't know kung paano ako magkukwento sa kanila.






Nakatingin lang ako sa taas at umiiwas ako nang tingin sa mga taong naririto sa abot nang aking makakaya. Nakatitig lang ako sa pintuan ng kuwarto ko na animong isa itong prize sa paningin ko. Kahit pa gusto kong batiin at magpasalamat sa kanila, hindi ko na magagawa pa dahil sa pagkakataon na 'to, gusto nang sumabog nang nararamdaman ko. Gusto nang lumabas ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.





And when I got to my room, dali-dali akong pumasok at mabilis na isinara ang pinto. Mabilis akong sumandal sa pintuan na tila isang senyales na rin ang pagsandal ko kung kaya't tuluyan na ngang lumabas ang mga luha na kanina ko pang pinipigilang ilabas.





Dahan-dahan akong napaupo bago tuluyang mapayuko at doon ko na ibinuhos ang lahat-lahat nang sakit. Ang hirap magpigil nang totoong nararandaman sa mga taong ayaw kong mag-alala sa 'kin. Ang hirap itago at ang hirap pigilin. Gusto kong maging masaya sa sorpresa na iginawad nila.





Pero ang sorpresang na naging dahilan kung bakit ako nagiging ganito ay mas nangingibabaw at kahit ilang oras na ang nakalipas, hindi pa rin napoproseso sa utak ko. O may balak pa nga bang iproseso ito ng utak ko?





"Lia?" Malumanay na tawag sa 'kin mula sa labas. Narinig ko pa ang pagkatok. "I brought you your foods. It looks like you're actually tired but you have to eat."





Mabilis akong tumayo sa pagkakayuko bago dumiretso sa kama at mabilis din na nagtalukbong. Bahagya ko pang pinagalitan ang sarili ko nang mukhang hindi ko inilock ang pintuan  kung kaya't narinig ko na ang pagbukas at pagsara nito.





"Stop hiding, Lia..." Naramdaman ko ang paglubog ng kama, sensyales na umupo siya. "Anong ginawa ni Claude?"




"W-Wala ate------"




"Huwag mo siyang pagtatakapan dahil the moment you entered the house, napansin ko na ang pamumugto ng mata mo," she cut me off."




Dahil sa sinabi, tila senyales muli ito upang magsimula muli  sa pagtulo ang mga luha ko. Halata na ang pag-angat at baba ng balikat ko. Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-angat ng kumot sa 'kin at wala na akong nagawa nang tuluyan na niya akong nakita na nasa ganitong sitwasyon.





"A-Ate..." Humihikbing pagtawag ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagyakap niya sa 'kin.





"Tell me, sissy. Magkuwento ka, makikinig lang si ate." Marahan niyang hinahaplos ang likod ko. "Anong ginawa sa 'yo nang lalaking 'yon."





Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Where stories live. Discover now