Dear, ex. #10

0 0 0
                                    

"At hindi ako bibitaw dahil hindi naman mangyayari iyon."

Parang gumaan no'n ang nararamdaman ko sa kanya. Iyong kaba ko kanina ay nawala. Ang sarap pala pakinggan ng boses nya habang nagsasalita sya.

Tumingin na ako sa kanya at ngumiti. "Seryoso ka? kasi kung seryoso ka sa mga sinasabi mo sa akin 'wag mo ng babawiin iyon." Paninigurado ko.

Tumango sya. "Oo. May tiwala ka sa akin 'di ba?"

Ang sarap pakiramdam pala ng boses nya.... Oo may tiwala ako sayo.... At ang simula ng pagtitiwala sayo ay hindi mo ako binigo.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw iyong ka-chat ko? seryoso ka talaga?" Sinabi ko ulit. Gusto ko lang malaman ang sagot nya kahit alam ko ang sagot.

Nakangiti syang tumingin sa akin nakita ko, kasi nakatingin na ako sa kanya.

"Bakit pwede ko bang malaman kung ano ang iniisip mo sa akin no'ng nag-cha-chat pa lang tayo?" Napanguso ako sa tanong nya nakangisi pa sya, inaasar yata ako nito.

"Wala naman akong inisiip, pero akala ko lang na ayos lang."

"At ngayon dahil nakita mo na ako?"

Nag-iwas ako ng tingin pinamulahan na kasi ako. "Ang gwapo mo pala at iyong height mo nakakadagdag sa dating mo." Iyon talaga ang totoo. Medyo nahihiya lang akong sabihin iyon pero nasabi ko rin naman.

Mahina syang tumawa. "Sakto lang. Pero salamat kasi nakita mo akong ganon."

Ang humble pala....

"Pwede kitang tanungin?" Tanong ko dahil nagtatanongan na naman kami dito.

Nakangiti pa rin sya at tumango.

"Hindi ko 'to natanong sa chat kaya sa personal na lang. Sagutin mo ang tanong ko ng totoo, ha?"

Nakangiti na naman syang tumango. Nakakakilig talaga 'tong lalaki na 'to. "Nakailang ka-chat ka bago ako?"

"Wala."

Nagulat ako? wala? we? hindi ako naniniwala. "Sabi ko sagutin mo ako ng totoo."

Umiling sya. " Wala. Totoo iyon maniwala ka. Sinabi ko sayo 'di ba na hindi ako mahilig mag post at mag facebook. Sa totoo lang ginawa ko lang ang facebook account dahil kailan naman sa eskwelahan iyon. Lalo na sa group works." Paliwanag nya.

Ganon pala kaya isa lang ang post nya na hindi naman nakita ang mukha nya. Ginagamit nya lang pala iyon sa importante pero naisip ko rin? saan nya ako na kilala?

"Eh, saan mo ako nakita?"

"Nakita ko lang ang profile mo sa friends list. Ang ganda kasi ng ngiti, profile mo kasi iyong closing nyo at naka uniform na may maraming medal ka. Nakuha mo kasi ako sa ngiti mo."

Nakita nya lang pala ako sa friends list nya. Pinamulahan naman ako dahil may golden teeth kasi ako sa gilid. Nakikita iyon kapag ngumingiti ako.

"M-mabuti naman wala ka rin pa lang ginagawa no'n katulad ko."

"Pwede mong sabihin 'yan kasi wala naman talaga akong ginagawa no'n pero nakuha mo pa rin ako sa ngiti mo kaya nagka-interest ako sayo."

Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti. "Alam mo maayos kang magsalita, ah. Nadadala mo ako."

"Hindi ako nangbobola sayo at seryoso ako sa mga sinasabi ko. May tanong ka pa ba sasagutin ko 'yan."

Meron pa talaga akong tanong. "Sasabihin ko sayo simple lang ako at iyon lang ako. Pero bakit ako?"

"Pwede ba akong lumapit?"

Dear, ex.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang