Dear, ex. #22

0 0 0
                                    

"'Oy, ano bang nagyayari sa inyo? hindi ko kayo maintindihan?" Naguguluhang tanong ni Jay.

Hindi pa kasi namin sya na sabihan kasi busy kanina pero ngayon ewan ko ba kung ako ba ang magsasabi. Kinakabahan ako sa kanila. Ayaw kung ganito kami. Ano ba kasing problema ni May-may?

"May-may magsalita ka naman.... Magkakaibigan tayo 'di ba?" Sinabi ko iyon kahit na kinakabahan ako.

"Ano?! Hindi ka magsasalita?!" Galit na si Adi.

"Oo, sige na! Magsasalita na ako!" Natahimik kami sa pagsigaw ni May-ay sa amin. "bakit ako ganito?! Kasi naiinggit ako! Naiinggit akong isipin na kayo may mga jowa na! Ako?! Wala ba akong karapatan na magka-jowa?! huh?! Paano na lang kung makasama nyo iyong mga jowa nyo?! Tapos ako?! Wala! Mag-isa lang!" Tumulo ang mga luha ni May-may. Kaya pala ganon na lang sya sa amin ngayon. Kasi na naiinggit sya sa amin.

Napayuko ako--- kami. Tama naman si May-may. Paano kung gumala kaming lima, may mga kasama kami at sya lang ang wala? sino bang sasaya don?

"Masaya ako para sa inyo kasi.... kasi nahanap nyo na ang mga lalaking para sa inyo! Pero paano naman ako?! Ilang pa ba akong dapat masaktan para magka-jowa ako?! Alam kung may kulang sa akin pero May utak naman ako 'di ba? bakit?! bakit wala akong jowa?!" Dahan-dahan syang napaupo sa upoan habang umiiyak pa rin.

Kaming apat ay hindi makapagsalita. Masaya nga kami na may mga jowa na kami at may nagpapasaya sa amin pero paano si May-may? oo nga 'no ilang beses pa ba dapat syang masaktan para mahanap magka-jowa sya? para makahanap nya na ang lalaking para sa kanya. Iyong magpapasaya rin sa kanya?

"May-may.... Sorry----kung hindi ka namin naisip. Masaya kami pero ikaw malungkot. Sorry kung nakakaramdam ka ng pagkainggit sa amin. Ayaw namin naramdaman mo iyon sa amin. Pero hindi sinasadya." Nakita kung lumapit si Adi kay May-may at yinakap sya.

Nag-iyakan na kami si Jay na alam nya na ngayon ay umiiyak na rin.

"Hali nga kayo...." Tawag sa amin ni May-may. Lumapit kami kahit na naiiyak pa rin. "nakakainggit kayo at nakakainis!" Dugtong nya!

"Sorry kung naramdaman mo iyon May-may alam kung sobrang nasaktan ka na. Pero May-may alam kung mahanap mo rin ang para sayo. Iyong lalaking tatanggapin ka at mamahalin." Sabi ko sa kanya para maging maayos sya at mag-isip ng maganda.

"O 'di kaya tatanda kang dalaga!" Asar ni Adi.

"Nakakainis ka Adi! Kung maging totoo 'yan. Ako talaga magpapalaki ng mga magiging anak mo at magiging katulad ko." Balik na asar ni May-may kahit pa naiiyak.

Tumawa kami. "'Oy, 'wag naman! Bunganga mo pa lang May-may masakit na sa tainga."

"Kakainis ka!"

Maya-maya ay pinunasan na namin ang mga luha namin. Umayos na rin kami ng upo dahil kakain na kami.

"Ikaw!" Tinuro ni May-may ang pinsan. "nakakainis ka rin kasi magpinsan nga tayo pero naglilihim ka! Pwede mo namang isabi sa akin na may nag-cha-chat na sayo at iyong tungkol kay Carlo." Reklamo nito sa pinsan nyang si Mera.

"Sorry May-may. Baka kasi mag-react ka at ayaw mo sa kanya."

"Pasalamat ka nagbago ang isip ko ng hinintay ka nya kahapon. Akala ko hindi nya hihintayin at iiba na lang syang uuwi at sabihin mo nga saan naman kayo kahapon?" Kuryusadong tanong nya sa pinsan na si Mera .

"Kumain lang kami ng donut. Bumili kasi sya."

"Wow! Sosyal! Donut ang date!" Mangha ni May-may sa narinig nyang sinagot ng pinsan nyang si Mera.

Dear, ex.Where stories live. Discover now