Dear, ex. #11

0 0 0
                                    

Nagulat ako sa pag-amin nya biglaan naman kasi. Natigilan ako at nagugulat na nakatingin sa kanya.

"Manong sasakay po sya. Sumakay ka na Shella dito mo na ako at hihintayin kung umandar ito."

Naririnig ko ang mga sinasabi nya pero hindi ako makagalaw kaya ng nakita ko ang ngiti at paghawak nya sa pulso ko ay don na ako gumalaw. Sumakay ako sa tricycle na nagugulat pa rin.

"Bye!" Paalam nya.

Eh, hindi ko nga magawang magsalita kaya iyong kamay na lang ang kinaway ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Inamin nyang gusto nya ako. Gusto nya ako!

Kung pwede ko ring aminin na gusto ko rin sya kung hindi lang ako nahihiya. Nakakahiya naman kasing umamin sa kanya. Pero ngayong umamin na sya na gusto nya ako ay gusto ko na lang na tumitig sa kanya ulit at uulitin nya ang sinabing

"Gusto kita."

Kinilig ako ng sobra at natutuwa dahil sa pag-amin nya! Umamin na sya sa akin at gustuhin ko man na umamin sa kanya ay parang ayaw ko pa. Gusto ko rin naman sya, eh. Nang sinabi nyang gusto nya ako ay don na klaro ang nararamdaman ko sa kanya.

Aaminin ko gusto ko rin sya.

Pagka-uwi ko ay nangingiti ako.

"Hi, Ate! Hoy--- anong ibig sabihin ng ngiti na 'yan?!" Si Sarah ang sumalubong sa akin. Na napansin ang ngiti ko.

Tumikhim ako at sinubukang alisin ang ngiti ko pero hindi ko magawa dahil ngumiti na naman ako.

"Hoy, ate?! In love ka 'no?!" Asar nya sa akin.

In-love? ako? in-love ba ako? alam mo naman 'di ba ang in-love Shella? iyong hindi mo mapigilan ang ngiti mo. Iyong kinikilig ka. Iyong napapasaya ka nya. Iyong gusto mo syang ka-chat at makita. Iyong umamin syang gusto ka nya at gusto mo sya pero hindi mo inamin kasi nahihiya ka.

Kung in-love na ako ay pareho kami.

"Sabi na eh, in-love ka!" Asar nya ulit!

"Nagluto ka na?" Tanong ko. Hindi sinasagot ang  tanong nya kanina.

"Oo, nagluto na ako. Pero ang tanong ko in-love ka 'no?"

Nakangiti akong tumango.

"Sabi na, eh!" Malakas na sigaw nya! "In-love ka! 'Oyyyy, si ate in-love! Sino naman ate? ipakilala mo naman promise sa ating dalawa lang 'to." Ang kulit talaga nito.

"In-love ako. Pero hindi ko sasabihin sayo kung sino ang importante alam mong in-love ako." Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumuso sya kaya natawa ako sa kanya. Iniwan ko na lang sya sa sala at pumunta sa kwarto namin.

Nagbibihis ako ng napangiti ulit! Hanggang sa natapos na akong magbihis ay hindi na siguro mawawala ang ngiti ko.

Tatanungin ko sya kung nakauwi ba sya ng maayos.

Pero mukhang may nauna ng magtanong  sa akin.

Lar JD: "Nakauwi ka na?"

Ako: "Oo, ikaw?"

Lar JD: "Uuwi pa lang. Nakasakay pa kasi ako sa tricycle."

Ah, oo nga 'no. Malayo pala ang sa kanila.

Ako: "Mag-ingat ka, ah? chat mo ko kapag nakauwi ka na sa inyo."

Lar JD: "Kakababa ko lang sa tricycle at naglalakad na ako sa daan papunta sa amin."

Dear, ex.Where stories live. Discover now