Dear ex. #14

0 0 0
                                    

Hindi mawala-wala ang ngiti ko ng umuwi na ako. Pati dito sa kama ko ay ngumingiti ako. Ang saya ko ngayon! Ang saya ng aking puso! Ang saya naming dalawa!

Kami na!

Gusto kung tumili sa kilig pero hindi pwede kaya dinaan ko na lang sa mga ngiti ko na kung pwede lang umabot sa aking tainga ay aabot na sana. Bago nya ako hinatid ay nagpaalam pa syang pwede nya ba akong yakapin kaya pumayag ako. Kinilig ako ng sobra!

Hay.... Grabe, ang nararamdaman ko ngayon para bang hindi na siguro mawawala ang mga ngiti ko at kilig dahil kami na ta's niyakap nya pa ako!

Ting!

Larundo John Daizon: "Hindi ko kakalimutan kung kailan naging tayo. Salamat at sinagot mo na ako."

Matagal ka rin namang nag-tiyaga para manligaw sa akin at gusto kita at masaya akong ka-chat ka, makita ka at marinig ang boses mo kaya kita sinagot.

Ako: "Ako 'din. Ano ka ba sinagot kita kasi gusto kita."

Larundo John Daizon: "Ngayong tayo na anong tawagan na 'tin sa isa't-isa?"

Oo, nga 'no? ano kayang tawagan namin sa isa't-isa? dati kasi ay may tawagan 'din kami ng ex ko. Alam ko ang tawagan namin sa isa't-isa ay mahal!

Ang ganda kayang pakinggan ang tawagan na mahal. Ang lambing at ang sarap pakinggan na tatawagan ka ng mahal ng mahal mo rin.

Ako: "Mahal ang tawagan na 'tin sa isa't-isa."

Larundo John Daizon: "Mahal? gusto mo iyon?"

Tumango pa ako kahit hindi nya naman makikita.

Ako: "Oo. Tawagan na 'tin mahal at dapat mong sundin iyon."

Larundo John Daizon: "Sige, susundin ko po ang sinabi mo. Mahal ang tawagan na 'tin 'di ba Mahal?"

Kinikilig naman ako! Paano pa kaya kung marinig ko sa personal na tawagin nya akong mahal!

Ako: "Oo. Mahal."

Set-net ko ang nickname namin dito.

Larundo John Daizon nickname as Mahal

Ako: "Mahal?"

Mahal: "Oo. Mahal ko?"

Pinalitan nya 'din pala ang pangalan ko. Mahal ko ang nakalagay!

Mahal sa akin, sa kanya naman Mahal ko! Bagay sa aming dalawa! Gusto ko ang tawagin nya akong Mahal ko Mahal nya!

Ako: "Matulog ka na Mahal dapat maaga tayong gumising dahil simula na ng klase."

Mahal: "Sige, Mahal ko. Matulog na tayo. Good night Mahal ko. 😴❤️"

Ang cute ng emoji at ng send!

Ako: "Good night 'din Mahal. 😴❤️"

Napapangiti pa rin ako kahit nag good night na kami sa isa't-isa. Makakatulog ako ng maayos dahil pinapatulog na ako ng mahal ko!

Pinatay ko na ang wifi at in-off ko na ang cellphone. Natulog na ako. Maaga akong nagising ngayon at parati naman. Madaling-araw pa lang ay gising na ako para mag saing ng kakanin at magluto ng ulam. Gumising na rin ang iba sa amin. Pagkatapos magluto ng ulam at tinignan kung luto na ba ang kakainin ay naligo na ako.

Si Sarah ay naghugas ng plato namin na ginamit namin kagabi. Maaga syang gumising ngayon dahil hindi pwedeng ma-late. Parang ang pangit naman isipin na first day of school ay late ka.

Dear, ex.Where stories live. Discover now