Dear, ex. #15

0 0 0
                                    

"Classmate na 'tin iyon last year ang arte! Rebounded lang naman ang buhok nya pero bagay sa kanya lalo tuloy naging mahaba tignan ang mukha nya! Ang kapal pa ng blush-on sa pisngi at iyong lipstick nya sa labi nya ang pula-pula! Nakapasok pala sya dito? hindi ba nya nabasa ang school rules dito?" Reklamo ni May-may.

Isa kasi sa SAG o Student action group si May-may muka first year at siguro kung sasali pa sya ngayon ay matatawag pa rin syang kabilang sa mga SAG. Maldita si May-may, prangka na nagsasabi lang ng totoo at kung hindi mo sya kilala ay aakalain mong nanghuhuga sya ng tao.

Matalino rin sya pero hindi pala kaibigann at pala ngiti sa ibang tao. Hindi nga sya plastik at totoo kaya lang kung hindi mo sya kilala ay hindi mo siguro sya magugustuhan dahil sa ugali nya.

"Ay, oo nga May ang feeling nya!  Classmate na 'tin iyon last year at akala mo kung sinong matalino dinaig pa ang top 1 na 'tin sa pag-e-explain eh, sa huli mali pala ang sagot." Dugtong ni Adi.

Napangiti na lang ako kapag kasi si May-may ay naggaganito ay sinasabayan sya ni Adi. Palabiro si Adi at minsan lang mag-seryoso pareho sila ni Jay hindi nga lang tomboy si Adi at ayaw nyang maging ganon kasi daw sayang ang lahi nila.

"Sasali ako sa SAG ngayong taon at sa susunod tapos isasama ko sa rules na hindi pwedeng papasokin ang mukhang hindi estudyante." Tapos na sabi ni May-may at nauna na syang pumasok sa amin sa loob ng classroom.

Tinignan kami ni Adi at tinangoan. Natawa na lang kami. Baliw talaga si Adi ginagaya pa si May-may.

Pagkapasok namin sa loob ay tabi kaming lima sa upoan. Sa harapan nakaupo sila May-may si Mera at ako. Sa likod namin ay ang dalawang magkapareha si Adi at si Jay. Dito kami umupo malapit sa pintuan.

"May-may isabi mo na kung taga saan iyong gagong lalaki na iyon at dito ba sya nag-aaral. Hindi pa naman nagsisimula ang pakikilala na 'ting lahat sa isa't-isa."

May ganon kasi pag frist day school magpapakilala kami sa isa't-isa.

"Ang kulit mo naman Adi!" Si Jay pa ang nagreklamo.

"Alam kung gusto mo rin malaman hindi talaga tumatahimik ito kapag wala akong alam. May.... Isabi mo na." Pangungulit na naman nito.

Lumingon kami sa likod para makita sila.

"Chismosa talaga. Kapag sinabi ko malalaman ng mga classmates na 'tin at ng taga ibang section. Ganon ka kadaldal Adi!"

Unarting pang nagugulat si Adi. "Grabe, ah! Sinabi nga namin na may jowa na kami ni Shella!" Sigaw nito.

"Isabi mo na May-may. Kapag hindi mo sinabi ibig sabihin hindi ka matapang! Hahahaha" Sabay pang tumawa sila Adi at Jay. Sumama naman ako. Si Mera ay tahimik ulit.

"Mera may alam ka?" Tanong ko.

Umiling sya. Siguro wala syang alam.

"Tumigil na nga kayo sa kakatawa! Sasabihin ko na!"

Tumahimik kami at lumapit sa kay May-may inirapan nya na naman kami. "Taga ibang section. Nico ang pangalan kilala na 'tin. Hindi sya sikat sa school at feeling sikat lang. Feeling nya sikat sya kasi marunong syang manamit at may nagkakagusto sa kanyang mga babaeng hindi naman nag-iisip!" Prangka nyang sabi.

Ganito na lang talaga ang galit nya sa lalaki na iyon.

"AY! KILALA KO 'YAN BESH FRIEND! SYA IYON?! SUS HINDI NAMAN GWAPO!" Malakas na sabi nito kaya napatingin ang mga ka-klase namin na may iba 'ding ginagawa.

"Oo, kaya nga ayaw kung malaman ng iba kasi baka isipin pa ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya na may gusto rin ako don. Nadala lang ako sa sweet messages nya at kung paano sya nagtiyaga na i-chat ako!"

Dear, ex.Where stories live. Discover now