Dear, ex. #5

0 0 0
                                    

Huh? bakit nya alam na maaga akong gigising bukas? manghuhula ba talaga sya? ay, ewan ko.

Ako: "Sige." Tipid na reply ko.

Lar JD: "Goodnight. Sweet dreams. 😴❤️"

Napangiti ako sa emojis nya.

Ako: "Goodnight"

Tapos ay in-off ko ang cellphone--- teka.... Sinunod ko lang ba sya?

Sinubukan kung ipikit ang mga mata ko kasi dati naman kapag ipinipikit ko na ang mga mata ko ay maya-maya ay nakakatulog na, pero bakit ngayon? ngayon lang ako hindi  nakatulog sa pag-pikit ko?

Napailing ako tumigil ka nga Shella syempre dala lang iyon sa pagod mo kanina. Matulog ka na lang. Pero hindi talaga ako nakatulog baka.... Ano ba kasi ang dapat kung gawin para makatulog na ako? matulog na nga Shella sige ka aantokin ka bukas.

Pero bakit hindi ako makatulog? 'wag mong sabihin na dahil lang sa chat nya hindi ka makatulog? eh, kakakilala mo lang don. Umayos ka nga!

"Ate matutulog ka na ba?"

Tinignan ko ang kapatid ko. "Bakit?"

"Wala lang. Kasi kung hindi pa baka pwede akong mag-ingay mo na. Baka maingayan ka sa cellphone ko."

Pinagilid ko ang ulo sa gilid. "Pakihinaan na lang ang volume ng cellphone mo. Dahil mamaya ay makakatulog na ako." Sabi ko pa.

Hindi ko alam kung makakatulog ba ako mamaya pero pipilitin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ay hindi ako makatulog alam ko naman kung bakit pero pilit ko pa ring dini-deny. Pero mabuti na lang at nakatulog ako sa mga iniisip ko.

Pero nang gumising ako ng maaga ay lutang ako at gusto ko pang matulog. Pero wala na akong magawa ng dumating na kami dito ginawa ko na lang ang dapat kung gawin.

"Ate pabili nito." Sabi ng dalaging-ging.

"Hija pabili nito. Tsaka, 'to." Tinuro nya ang malunggay at talong.

"Ay, ang lalaki ng mga panindang gulay, oh. Bili tayo dito! Isang kilong okra."

"Okra at pepeno."

"Kalabasa, malunggay, at okra."

Iyon ang sunod-sunod na binili ng mga costumer ko. Sunod-sunod talaga pagkatapos ng isa ay meron na naman. Mabuti na lang at nag sunod-sunod sila ng bili dahil naging lutang pa ako at hindi ko na mamalayan na may bumibili na pala sa harapan ko.

Kung bakit ba kasi inaantok pa ako?

Tumigil ka na Shella nagugutom ka na dahil sa lutang mo lampas na alas dose nakalimutan mo ang pagkain. Lulutang ka na naman ng grabe nito. Ay! Oo nga pala! Nakalimutan kung kumain.

Napapikit ako sa inis sa sarili kung bakit sa lutang ko ay ultimo ang pagkain ay nakalimutan ko pa, ang galing ko talaga!

Tatayo na sana ako para bumili ng kinain ko kahapon ng may costumer akong batang lalaki. Ka-edad lang siguro 'to ng pang-lima kung kapatid na si Justin.

"Anong sayo?" Tanong ko pa. Pinilit ko pa ngang ngumiti kahit na nagugutom na ako.

"Ate, sayo po daw 'to.... Bigay nya." May pinakita sya sa aking plastic ng chicken Joy at kakanin.

Napanganga ako sa lito. Kanino naman 'yan galing?

"Sure ka bata sa akin 'yan?" Panigurado kung tanong sa kanya.

Dear, ex.Where stories live. Discover now