Dear, ex. #17

0 0 0
                                    

"Ako nga eh, hindi ko sya nakita saan kaya ang section nya?" Nalulungkot na tanong nito.

Pagdating kasi sa gusto nya ay nawawala ang pagiging tomboy nya. Mukha lang na walang gusto si Jay kay Adrian pero hindi nya lang pinapahalata magaling lang talaga syang hindi magpahalata.

"Gusto mo? hanapin na 'tin kung saang section sya?" Tanong ko sa kanya. Kasi kung papayag sya ay gagawin namin talaga. Si Adi kasi ang maraming kakilala kaya magpapatulong na lang kami kay Adi.

Tumango sya. "Pero hindi na ako sasama ayaw may isipin sya."

Tumango ako. "Pwede rin. Kasama naman namin si Adi tsaka, hahanapin namin iyon. Iyon kaya ang 5 years mo ng gusto!" Asar ko sa kanya.

Namula naman ang mestisa nyang balat.

"Dito lang po." Sabi ko sa tricycle driver huminto sya. Bumaba ako. Nagpabayad na ako.

"Bukas, ah?!" Sigaw ni Jay bago umandar ang tricycle.

"Oo!" Sigaw ko. Tumawid na ako dahil wala ng mga sasakyan. Naglakad ako papunta sa amin at nakita kung naka bukas ang gate namin. Nandito na siguro ang mga kapatid ko.

Nang pumasok na ako ay nandito na nga sila nanonood ang iba sa sala ng tv. Ako ay dumiretso sa kwarto namin. Nandito na rin si Sarah dahil nandito sa kama nya ang bag nya. Nilagay ko ang bag ko sa lamesa at nagbihis.

Lumabas ako. "Shanne nag saing na kayo?" Tanong ko sa bunso namin.

Umiling sya. "Oh?! Bakit hindi pa?"

Tumango sya. "Oo, magsasaing na ako Ate."

Bumuntong-hininga ako kung hindi sila tatanungin at hindi uutusan ay wala kaming makakain.

Bumalik ako sa kwarto namin tinignan ko kung nag-online na ba sya. May binilin pala syang mga messages sa akin.

Mahal: "Good. morning Mahal ko ♥️"

Mahal: "Mag-ingat ka sa daan at 'wag kang magpapagutom."

Napangiti na lang ako. Ang sweet lang ng mahal ko. Ni-replyan ko sya.

Ako: "Kamusta ka Mahal? "

Ako: "Maayos lang ang Frist day of school ko. Ikaw?"

Ako: "Mamaya na lang tayo mag-chat. Magluluto mo na ako dito."

Lumabas ulit ako at nagluto ng ulam. Pagkatapos ay naglinis. Nagwalis ng sahig at naghugas ng mga plato. Pumasok ulit ako sa kwarto namin dahil baka nag-online na sya. Gabi na kasi at baka may chat na sya.

Nag-online na sya! Mukhang bago pa lang sya nag-online dahil ngayon nya pa lang nabasa ang chat ko sa kanya.

Mahal: "Maayos lang ako Mahal ko."

Mahal: "Anong ginagawa ng Mahal ko ngayon?"

Napapangiti akong nag-reply.

Ako: "Ka-chat ka. Tapos na akong gawin iyong dapat kung gawin. Ikaw?"

Mahal: "Tapos na rin."

Mahal: "Kumain ka ba ng maayos sa tanghali?"

Ako: "Oo. Mahal. Maayos akong kumain busog nga ako, eh. Ikaw? maayos ka bang kumain?"

Mahal: "Oo, naman Mahal ko!"

Kung magkita kaming dalawa at marinig kung matawag nya akong Mahal ko ay siguro para na akong lumilipad sa kilig at saya. Gusto ko ring matawag ko syang Mahal. Kasi mahal ko naman sya.

Dear, ex.Where stories live. Discover now