Dear, ex. #25

0 0 0
                                    

Hinalikan ako ni Mahal! Dinikit nya ang mga labi namin. Hindi naman iyon nagtagal pero hindi pa ako makagalaw. Hindi pa nga ako tapos sa sinabi nyang Mahal nya ako? tapos itong paghalik nya naman!

Ito ang unang halik ko! At nanggaling sa kanya! Nakatingin ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita. Sya naman ay nakangiti pa rin. Gusto ba nyang hindi ako nakakapagsalita dahil sa mga ginagawang nakakagulat para sa akin?

"Hindi na ako nagpaalam na gagawin iyon sa iyo Mahal ko. Pero sana huwag kang magalit sa akin kasi ginawa ko iyon ng hindi nagpapaalam sa iyo Mahal ko." Malambing na paliwang nya. Kung nagpaalam ka na gagawin mo iyon baka magulat ako at hindi ako makapagsalita.

Umayos ka na Shella, sagutin mo ang tanong ni Mahal. Baka isipin nitong galit ka na hindi naman. Nagulat ka lang at hindi ka nakapagsalita. Pero aminin mo gusto mo iyon at kinilig ka! Nagulat ka lang kasi biglaan iyon! Pero iyon ang nakakatuwa at nakakakilig na pangyayari sayo!

Kumalma ako bago sinagot si Mahal. "Hindi ako galit Mahal. Nagulat lang ako at hindi ako makapagsalita." Paliwang ko kay Mahal.

Habang nakikinig sya sa paliwang ko ay nakangiti pa rin sya. Gusto ko talaga ang mga ngiti mo Mahal. Pero hindi pa rin mawala sa akin ang nangyari! Nakakatuwa at ang saya ng puso ko! At nakakakilig!

"Mag-iingat ka Mahal ko." Paalam nya ng nakasakay na ako sa tricycle.

"Mag-iingat ka rin Mahal." Nagawa ko pang isabi iyon kahit ang lakas ng tibok ng aking puso habang nakangiti syang nakatingin sa akin.

Nang nakauwi ako ay hindi mawala ang nangyari kanina. Talagang sinulit namin at ni Mahal ang pagkikita namin ngayon. Naalala ko kung paano sya ngumiti at yumuko para halikan ako. Habang iniisip ko iyon ay para hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin.

Mahal kita Mahal at palagi kitang mamahalin.

Nakauwi na kaya si Mahal?

Ako: "Mahal Nakauwi ka na ba?"

Siguro hindi pa sya nakauwi. Baka nakasakay pa sya sa tricycle.

Mahal: "Nakauwi ka na ba Mahal ko?" Tanong nya sa akin.

Ako: "Oo. Ikaw?"

Mahal: "Hindi pa Mahal. Nakita kasi ako ni James habang naglalakad ako para humanap ng tricycle. Nandito ako sa siomai-yan nila at nagpapatulong sya."

Huh? ang cute isipin na tinutulongan ngayon ni Mahal ang siomai-yan ng kaibigan nyang si James. Siguro ang cute nya kung susuotin nya rin iyong apron na nakita kung sinuot ni James.

Ako: "Marami bang tao Mahal?"

Mahal: "Oo. Mahal. Kaya magiging busy ako ngayon mamaya na lang siguro tayo mag-chat Mahal. Baka hindi ako maka-reply sayo."

Ako: "Sige, Mahal. Mamaya na lang. Kaya mo 'yan."

Hindi na naka-reply si Mahal. Siguro ang busy na nila. Ano cute nya siguro kung nakasuot sya sa apron na iyon. Gusto kung makita na nakasuot sya ng apron na iyon. Ang bait naman ng Mahal ko. Para tulungan ang kaibigan nyang si James. Maintindihan sya at mabait pa.

Iyong nangyari sa amin kanina ay mananatili iyon sa amin.

May ginagawa pa naman si Mahal kaya kinuha ko mo na ang bag ko at ang notebook at nag-aral. Kung si Mahal ay busy ako naman ay hahanap ng paraan para maging busy para pareho kami.

Ting!

Mula sa gc namin iyon.

May-may (Huwag magpapaloko sa mga ka-chat!): "Anong ginagawa nyo girls?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear, ex.Where stories live. Discover now