Dear, ex. #12

0 0 0
                                    

Kuntento kaming dalawa na ka-chat ang isa't-isa.  Wala namang nagbago ganon pa rin no'ng una naming chat at ngayon. Iyon nga lang ay kahit walang kami ay parang kami dahil sa mga ngiti at kilig na aming nararamdaman sa isa't-isa.

Naghihintay sya sa chat ko, minsan naman ay kahit na hindi ako nag-o-online dahil may ginagawa ako ay sya ang nag-me-message sa akin. Siguro ay wala lang talaga syang magawa sa kanila kaya kahit hindi ako nag-o-online ay binabanatan nya ako ng chat. Meron ngang pagka-bukas ko ng messenger ko ay may labing isang message nya.

Nagulat nga ako dahil akala ko ano ng nangyari sa kanya pero sabi wala lang daw syang magawa sa kanila. Naulit pa nga iyon kaya napapangiti na lang ako sa tuwing mauulit iyon.

Larundo John Daizon: "Hi, Alla kung busy ka pero sana mabasa mo ito."

Larundo John Daizon: "Magpahinga ka, huh? importante iyon sayo."

Larundo John Daizon: "Kaya mo 'yan."

Larundo John Daizon: "Kumain ka ng maayos at sa saktong oras 'wag kang magpagutom."

Larundo John Daizon: "Gusto na ulit kitang makita kaso alam kung hindi na mauulit iyon kasi malapit tayong bumalik sa school."

Larundo John Daizon: "Namimimis na kita. 😔"

Larundo John Daizon: "Naghihintay lang ako sayo kung kailan ka hindi busy."

Larundo John Daizon: "Gusto ko na ulit hawakan ang pulsohan mo."

Larundo John Daizon: "Basta magpahinga ka. Ayos lang kahit basahin mo na lang ito, kahit hindi mo na ako replyan. Alam kung pagod ka mga ilan araw ka ring busy."

Larundo John Daizon: "Magpahinga ka ❤️"

Iyon ang huling chat nya sa akin. Mga ilang araw kasi kaming naging busy dahil sa mga delivery at minsan ay palipat-lipat ako, minsan don ako sa tindahan minsan naman ako ang sumama sa delivery dahil wala si Mama dahil isa rin syang trabaho sa amo nya.

May sarili naman akong pera no'ng nagdedeliver kami kaya mayron akong naitabing pera para sa akin. Mga ilang araw rin iyon kaya nga kapag uuwi ako ay nakatulog ako ng deritso at kung nag-o-online man ako ay binabasa ko na lang ang message nya. Pero sa sumunod ay pwede namang isa na lang dahil hindi na gaano kadami ang deliver. Kaya ako na ang nagbabantay ng tindahan.

Pero pagod pa rin ako hindi naman kasi ako sanay na bumabyahe. Kaya ngayon ay inaantok pa ako.

Pagkauwi ay diretso tulog ako pero nagpa-alam ako sa cellphone ko  matutulog lang ako ng mga ilang oras at gigising 'din. Gusto ko na kasing maka-chat sya at kawawa naman sya sige sya kung mag-chat sa akin ta's hindi ko na-re-replyan kahit isa man lang.

Kriiiinnnng!

Nagising ako sa alarm clock ng cellphone. Kaya bumangon na ako. Kumain pa mo na ako sa kusina namin dahil nagugutom ako. Ta's bumalik ako sa kwarto. Gising pa si Sarah, nandon sya sa ibaba double bed kasi 'tong kama namin.

Ako: "Hi! Sorry ngayon pa ako nag-reply sa lahat ng message mo. Sorry talaga naging busy kasi ako."

Larundo John Daizon: "Hello! Sa wakas nag-reply ka na! Alam mo bang namiss kita?!"

Ako: "Ako 'din!"

Larundo John Daizon: "Oo, alam ko. Pinuntahan kita don sa tindihan nyo kaso wala ka naman don."

Pinuntahan nya ako?

Ako: "Kailan?"

Larundo John Daizon: "No'ng hindi ka na nag-re-reply sa mga chat ko, gusto ko lang kasing bisitahin ka."

Dear, ex.Where stories live. Discover now