Dear, ex. #18

0 0 0
                                    

Ngumuso ulit si Jay. "Nakakahiya naman iyon Adi. Tignan mo nga ako parang lalaki! May muscles pa!" Reklamo nito.

Bumuntong-hininga si Adi. "Jay alam kung nakakahiya kasi ako nagawa ko rin 'yan!" Tukoy nito sa pag-amin nya sa classmate namin no'ng grade 8 pa kami. Na hindi naman tinanggap ang pag-amin nito.

Confident pa naman no'n si Adi sa pag-amin nya ta's tinanggihan lang ang pag-amin nito. Nalungkot nga kami para kay Adi pero hindi naman nagtagal ay nawala ang lungkot nya at naging maayos na sya.

"Pero ang tagal ng gusto mo sya! Ayos lang ba sa iyong ganyan lang? ako kasi Jay hindi ko kaya."

"Magkaiba naman tayo Adi. Ayaw ko pa kasi pakiramdam ko hindi ko kayang umamin. Siguro kung handa na ako."

"Ang tanong kailan ka magiging handa?" Natahimik si Jay.

"Sige, Jay. Pag-isipan mo mo na kung kailan ka magiging handa. Hahanapin lang namin ang section ng lalaking gusto mo."

Ngumiti si Jay. "Huwag kayong magtagal, ah?"

"'Wag kang mag-alala dahil marami akong kakilala dito kaya hindi kami aabotan ng mga minuto." Kampanti pang sinabi iyon ni Adi kay Jay. "tara na Shella." Hinila na nya ako at lumabas na kami ng classroom.

Naglakad kami papunta sa huling section ng mga HUMMS.

"'Oy, Albert!" Tawag nya sa kakilala nya dito sa corridor.

"'Oy, Adi! Anong ginagawa mo dito?"

Huminto kaming dalawa dito sa corridor nila. "Namasyal lang at.... May itatanong lang 'din ako sayo."

Magkatabi kami ni Adi at ako at nakatingin ako sa playground at nakikinig sa kanila.

"Kilala mo ba si Adrian?"

"Iyong sikat na matalinong lalaki sa eskwelahan na 'tin? iyong tahimik na mayabang?"

"'Oy, grabe ka naman. Mukha lang talaga syang mayabang kasi hindi namamansin pero tama ka mayabang nga sya." Napailing na lang ako sa sinabi ni Adi.

Matalino kasi ang gusto ni Jay na si Adrian. Palagi syang president sa aming classroom at  pareho sila ni May-may na kasali na SAG. Tahimik sya at hindi namamansin. Namamansin lang sya kapag may group works kami kaya siguro nasasabihan syang mayabang.

"Nasaang major at section sya?"

"Na sa section STEM sya. Alam mo na matalino."

"'Oy, bakit matalino naman ako, ah? bakit nag-HUMMS ako? depende lang iyon." Reklamo ni Adi.

"Si May-may ba ayos na ngayon?"

"Oo, ayos na sya at 'wag mong sabihin na gusto mo iyong kaibigan ko dahil kilala kita. Babaero! Sige na aalis na kami salamat sa information!" Hinila na ako ni Adi at bumalik na kami sa classroom namin.

"AAAAHHHH!" Nabigla ako ng nakapasok na kami sa loob ng classroom ay sumigaw sya. Napatingin tuloy ang mga classmate namin sa kanya.

"Hoy, Adi? anong nangyari?!" Nag-alala ng taning ni Jay.

"Alam ko na kung anong major at section sya."

Malawak na naman ang ngiti ni Jay at kinilig. Namula ang mga pisngi! "Anong major nya at section?!" Nagmamadaling tanong ni Jay.

"Sa STEM!"

"Talaga? sa STEM? anong section A, b, c, d?"

"Ay! Nakalimutan nyang sabihin basta STEM."

Dear, ex.Where stories live. Discover now