Dear, ex. #1

0 0 0
                                    

Nakatayo kaming lahat na mga estudyante, nakaharap sa stage nakikinig sa aming madaldal na principal. Kanina pa panay ang speech ni Madam Principal. Sumasakit na nga ang binti at paa ko dahil sa kanina pa panay ang speech kanina pa kami nakatayo dito. Ang ibang katulad kung mga estudyante ay ngumunguso na, ang iba naman ay umiirap at nababagot na sa kakahintay na matapos ang speech nya.

"Grabe, naman mag-speech si Madame Principal kala naman nito magtatapos na talaga tayo sa pag-aaral eh, moving up lang naman 'to dahil next year ay seniors na tayo." Dinig kong reklamo ni Adi.

Nakita ko naman na napa ngiwi iyong katabi nya. "Kailan ba matatapos 'yang speech-speech, gutom na ako!" Naiinis na bulong ng katabi ko.

"Psst.... tahimik." Sita sa amin ng nakaupo sa harap.

"Ikaw kaya iyong gutom?!" Naiinis na siya.

Bumaling ang dating president namin at sinamaan nya ng tingin ang katabi ko.

"Ulol!" Ang tanging sinagot nya sabay marahas na bumuga ng hangin

Hindi namin akalain na ganito pala kadaldal si Madame Principal. Kung titignan sya at ide-describe ay mukha lang na tahimik. Pero napatunayan ngayon na may pagkamadaldal talaga sya dahil sa ilang oras na niyang pag-spe-speech. Mas madaldal pa sya sa emcee namin pag may gagawin na program sa school.

Pero nakakaaliw naman ang pinagsasabi nya minsan nga ay tumatawa kami pero sadyang wala lang pasensya ang mga tao ngayon. Medyo mainit na kasi kahit na sa cover court ramdam 'din namin ang mga pawis namin medyo nangangamoy na nga, eh. Talagang napakarami namin sa paaralan na 'to.

Marami ang mga nagta-transfer dito dahil sa gusto nilang piliin at gawin ang kursong gusto nila, dito kasi ay marami ang pagpipilian mong kurso at nakadepende naman iyon sa gusto at kaya mo. Kasi karamihan sa mga nagta-transfer dito ay iyong mag f-fourth year na o mag s-senior high na.

"Grabeng speech, 'te! Mukhang forever na tayong tatayo dito!" Malakas iyong sinabi ni May-may nagbibiro at walang paki kung marinig man nang lahat ng tao. Pero mukha naman talagang walang pakialam ang isang 'to.

Ang mga ka-batch mates ko naman ay mahinang tumawa at ang iba ay bumungis-ngis.

Narinig kung malalim ang pagsinghap nang hangin ng katabi ko. Mukhang nauubusan ng pasensya.

"Can we just sit now...." Hindi iyon patanong na sinabi nya kundi ay nababagot na talaga.

Mahina akong tumikhim. "Hayaan muna matanda na kasi...."

Nang wala akong marinig na pag-tugon o salita man lang nya ay napapahiya kung tinikom ang aking bibig sabay iling.

Baka isipin nitong fc ako at nakikipag-usap ako sa kanya. Kilala ko pa naman 'to, isa pa naman 'tong isnabero. Sa susunod talaga hindi na ako sasabat pag may nagsalita pwera na lang kong ka-close o kaibigan ko.

"Ate?! Smile!"

Nanglaki ang mga mata ko at nagugulat na bumaling sa pwesto ng aking kapatid. Pinandilatan ko sya at gamit ang kamay ay sininyasan ko syang umalis. Pero sinadya nya yata ngumisi lang 'to at kumuha pa nang litrato.

"Psst! Ate, smile naman dyan!" Wala talagang pang pahina ang boses ng kapatid ko.

Mamaya ka talaga!

Pinilit kung ngumiti kahit nahihiya na ako dahil sa nakatingin na ang ibang ka-batch mates ko at nahihiya rin ako dahil baka ma-istorbo pa si Madam Principal nakakahiya sa kanya.

Click!

Tinaas nya ang kanyang hintuturo o nag thumbs up, binigyan nya pa ako ng malaking ngiti. Bakit ba 'to sumama? sinama ko ba sya-----

Dear, ex.Where stories live. Discover now