Dear, ex. #2

0 0 0
                                    

Si.... Si....

Anyano....

Napatingin ako kay May-may at pinaningkitan ng mata. Bakit kaya 'to biglang natahimik eh, si Anyano or Aniano lang naman ang kaharap nya. Sa pagkakaalam ko namimili si May-may at mukha namang hindi nya type ang isang Anyano na 'to.

Sa pagkakaalala ko ay si Anyano ang pinakatahimik na taong nakilala ko. Classmate ko na sya mula pa sa first year hanggang sa mag-fourth year na kami.

Ni minsan hindi ko narinig na magsalita 'to. Pwera na lang kung tatawagin sa pangalan may reporting. Pero ang magsalita ng matagal ay hindi pa. Para kasing may limitasyon ang pagsasalita nya---- na ewan ko ba.

May pagka-wierdo kasi ang isang 'to.

Kaloka, baka may gusto----

Teka! Bakit ko ba naisip iyon? oo, gwapo naman si Anyano. Matangkad, makapal ang mga kilay, medyo may kaliitan ang mga mata, matangos ang ilong at kay gandang lalaki nga kung tignan. Pero knowing May-may hindi nya talaga type 'tong si Anyano. Hindi talaga.

"Pitikin mo." Mahinang sabi sa amin ni Adi.

Kanina pa kasi tinatawag nila Adi Mera at Jay si May-may pero nakatulala pa rin 'to.

"Ay, hindi mga besh, kurutin---- tama! Kurutin nyo. Dali!" Utos ni Mera. Napatingin kami sa kanya at umiling.

"Ayaw namin 'no, ikaw na lang!" Hindi naman namin iyon pinag kasunduan pero sabay namin iyon na sinabi kay Mera.

"Talaga? ako?" Hindi makapaniwalang ani Mera.

Tumango-tango si Adi. "Naman! Tutal ikaw naman ang nakaisip no'n."

Umirap si Mera sabay nguso. Tapos ay----

"Araaaayyyy! Sinong may gawa no'n?!" Galit na ani May-may. Sa wakas ay bumalik na rin galing sa pagkakatulala.

"Tangina sinong may gawa no'n? nakakainis, ah! Tangina---- ang sakit!" Nasaktan siguro 'to kasi napahawak na sa kanyang gilid kung saan don sya kinurot ni Mera.

"Ikaw kasi bigla kang natulala dyan---- si Aniano lang kaharap mo, 'oy."

"Ah, talaga Mera ikaw iyong kumurot sa akin, alam mo bang masakit kang kumurot? ha? at.... A-ano bang pinagsasabi mo dyan, ha?!" Sinigawan nya si Mera pero umirap lang 'to at binigyan sya ng nanunuksong tingin.

"G-gaga...."

Nag nginisihan na lang kami sa isa't-isa dahil sa inaakto ni May-may

Natigil lang kami sa nginisihan ng klinaro ni Jay ang kanyang lalamunan bago nagsalita. "Picture."

Ay! Oo nga pala iyong plano naming magpapa-picture. Ano ba 'yan si May-may kasi natulala pa.

"'Oy! Aniano. Pare, picturan mo naman kami, oh. Kaso.... Wala naman kaming camera---- selpon meron pero.... Ay---- ikaw na lang. 'Yang camera mo na lang ang gamitin mo 'tas picturan mo kami? okay, ba iyon, Pare? syempre. Okay lang sayo!" Lumingon si Jay sa amin tapos nginisihan kami. Loko talaga 'to.

Malakas namang tumawa si Adi. "Oo nga naman, ayos lang kay Aniano 'yan 'no. Picture lang naman, eh. Oh. Ano pang ginagawa na 'tin pwesto na, dapat kita whole body na 'tin, ah!" Tinuro pa ang kanyang ulo hanggang sa sapatos nya. "dapat maganda iyong kuha mo Aniano ay---- pero alam naman naming magaganda na kami." Sabay humagalpak nang tawa.

Kakaiba rin 'tong kabaliwan ni Adi dahil kung si May-may ay walang pakialam at natural talagang malaki ang boses pag nagsalita at sumigaw. Si Adi naman ay medyo baliw at sobrang lakas tumawa. Si Mera  ay tahimik ngunit medyo may pagkabaliw 'din at si Jay ay may pagka tomboy mula sa damit, ayos, at pagsasalita ay malalaman mo talaga kung ano sya.

Dear, ex.Where stories live. Discover now