Dear, ex. #3

0 0 0
                                    

"Hi."

Tinignan ko talaga ang nag-chat sa akin at kakaiba ang pangalan nya. Hindi kinompleto  samantalang ako ay kompletong kompleto talaga.

Lar JD

Iyon ang pangalan nya na nakalagay dito. Hindi naman siguro ganito ang pangalan nya at baka may ikaka kompleto pa 'to. Pero bago ko replyan ay pinindot ko mo na ang profile nya at tinignan ang account nya.  Pero wala naman akong nakita kundi picture na may panyo sa gilid ng mukha nya at hindi pa klaro, ah!

Seryoso?

Pa misteryoso naman 'to.

Iyon lang ang nakita ko at wala ng iba, siguro hindi sya mahilig mag post dito dahil last year pa 'to.

Bumalik ako sa messenger nagdadalawang isip tuloy ako kung re-replyan ko ba sya o hindi. Pero pagod rin naman kasi ako at mukhang makakatulog na mo na ako at iyon nga nakatulog ako kaya nabitawan ko na lang ang cellphone ko. Nagising lang ako ng ginising ako ni Sarah.

"Ate, kakain na daw tayo. Gumising ka na at mag bihis na rin." Sabi nya.

Bumangon ako at kumuha ng lang ng bahay na damit na t-shirt at short at lumabas. Pagkalabas ko ay kumakain na sila pumunta mo na ako sa banyo namin para maghilamos, nililinisan ko lang ang mukha ko dahil nag lagay ako ng kaunting polbos at lipstick kanina. Nakalimutan ko na magdala ng tuwalya kaya bumalik ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

Umupo na ako at sumali na rin sa pamilya ko na kumakain. Tahimik akong kumakain dahil pa siguro sa pagod at antok.

"Shella anong balak mo sa bakasyon?" Tanong ni Mama sa akin.

Kumakain pa rin ako habang tinatanong nya ako. Tutulong ako sa kanila sa tindahan para magtinda. Para naman may pagkaabalahan ako. May tindahan kami at mga gulay ang tinitinda namin masustansya at malusog iyon para sa katawan may alam kasi ako sa pagtinda dahil dati naman na nila akong sinasama.

Alam ko ang presyo ng mga tinitinda namin at marunong akong kumilo at saka magsukli ng walang gamit na calculator. Kamay lang. Nasanay na lang ako sa kakabalik ko don sa tindahan namin. Pero kahit noon pa na wala kaming tinidihan at sa tabi lang nagtitinda ay nagkakaron na ako ng ideya.

Mabuti na rin na may alam ako don, kung dati ay magaling ako sa math ay mas gumaling pa ako ngayon. At saka ako kasi ang panganay 'di pwedeng wala akong alam sa mga gawain at hanap-buhay ng aking pamilya.

"Kagaya po ng dati, tutulong po ako sa tindahan."

"Sige. Marami ang bibili ngayon dahil bakasyon at karamihan ay gustong mag gulay. May delivery nga kami ng tatay mo simula bukas."

Mga bakasyon kasi ay don dumadami ang bilihan at orders sa amin lalo na kapag walang ood at walang pisti na 'wag naman sana iyon.

"Oh, edi. Ako na lang sa tindahan." Sabi ko.

"Sige, kasi tutulong rin ako bukas sa mga order i-che-check ko iyon."

'Yan si Mama namin napaka seryoso nya sa tinitinda naming gulay. Pati sa order at strikta sya pagdating sa pag che-check. Mabuti na iyon para walang sabit at reklamo sa bibili. Lumaki kasi silang may alam sa panininda mula pa no'ng bata pa sila. Kaya ako ngayon ay may alam na rin dahil sa kanila.

"Ate, i-on mo iyong wifi mamaya." Utos sa akin ni Sarah habang naka tingin na sa kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko. "At bakit? at teka nga bakit ka ba nang uutos eh, sa mas matanda ako sayo?"

Hindi sya nag-angat ng tingin sa akin nanatili pa rin sa kanyang cellphone. "Maglalaro mamaya ng ML iyong mga barkada ni Tusoy." Iyon ang palayaw ni Jonie.

"Baka maubos iyong load ng wifi hindi iyon binili para ipang ML lang sa barkada." Prangka kung sabi.

Mahal kasi ang bili no'n tsaka, ang load na pang isang linggo lang ta's lahat kami ang gumagamit at lalo pa ngayon na bakasyon cellphone ang aatupagin nila kung hindi naman cellphone ay mag-co-computer pa.

"Sabihan mo iyong si Tusoy." Sabi nya na busy pa rin sa cellphone may tinitignan.

Nang matapos kaming kumain ay pinalinis ko sa dalawa kung babae na kapatid ang lamesa at pahuhugasan na rin ang mga pinggan na pinag kainan. Kaso ang dalawa ay natutulakan pa.

"Ikaw na lang kaya ang mag hugas!" Sabi ng bunso naming kapatid na malalim ang boses, at parang parating pagaw pero ganon lang ang boses nya.

"Ano?! Eh, ako ang naglilinis sa lamesa! Ikaw ang mag hugas ng mga pinggan kundi hindi ko 'to tatapusin!" Balik reklamo ng pang-apat ng kapatid na babae na si Sarah, pati 'to ay lumaki ang boses pag naiinis at medyo maldita.

"Nag hugas na ako kanina, ah! 'Di ba dapat ikaw na ngayon ang mag hugas ng pinggan?!" Balik naman nito. Sya nga bunso pero boses nya ay mas malakas pa kaysa sa akin.

"So? eh, ako naman ang naglilinis ngayon sa lamesa?!"

Ang iingay ng dalawang 'to ang lalaki pa ng mga boses parang mga matatanda na. Kailangan ko silang awatin dahil may kapit-bahay kami na kamag-anak naman lang namin pero mas bata pa ang mga anak no'n.

"Tumahimik nga kayong dalawa! Kung hindi nyo gagawin ang mga trabaho nyo papatayin ko ang wifi!" Striktang sabi ko. "Ang dali ng mga trabaho nyong dalawa, ah! Tumahimik na kayo dyan at taposin na 'yan." Naiinis akong bumalik sa kwarto namin. Ayaw ko talagang naiinis ako lalo pa pati sa dalawang iyon.

Wala naman akong ka-chat at wala rin akong jowa ngayon kaya hindi mo na ako mag-ce-cellphone pero magpapaalam mo na ako sa gc namin.

Ako: "Good evening sa inyo! Maaga akong matutulog ngayon kasi maaga akong pupunta sa tindahan. Iyon ang gagawin ko sa bakasyon."

Lahat sila online kaya nag-reply sila.

Adi (Asawa ni Jeon Jungkook): Ako 'di ako maagang matutulog ngayon kasi may ka-chat ako. Hehehehe.

Jay (Kapatid ni Superman na kapatid 'din ni Batman): Ang saya na 'tin! @adi

May (Si May-may na sobrang ganda): Sige, @shellamszkie ako dito lang ako sa bakasyon taga bantay ng sari-sari store namin. 🙂

Ako: "Dapat lang na may kanya kanya tayong gawain sa bakasyon 'no @jay @adi kayo ba ano bang gagawin nyo sa bakasyon?"

Jay (Kapatid ni Superman na kapatid 'din ni Batman): May practice kami sa volleyball."

Ah, oo nga pala. Player pala 'to ng volleyball. Nakita na naming maglaro si  Jay at ang galing nya bagay lang talaga sa kanya iyon. Kami ngang apat ang malakas king cheer sa kanya except sa mga fans nya.

Adi (Asawa ni Jeon Jungkook): Ako ay hati-hati ang schedule pwedeng dito lang sa bahay or pwede ring ipanggala.

Ako: As usual, ganyan talaga ang bakasyon mo ang swerte ng only child namin dito.

May (Si May-may na sobrang ganda): Hindi kaya lahat ma-swerte ang only child. Ako nga only child @shellamszkie.

Only child si May-may tahimik rin ang buhay nya kung na sa bahay lang pero dahil si May-may sya ay iingay kung magsasalita sya. Pero hindi naman sya pababayaan ni Mera, mag pinsan sila at mag kapit-bahay. May mga kapatid si Mera na mga matatanda na kumpara sa kanya, may kanya-kanya na ring trabaho at sya nalang ang nag-aaral ngayon.

Jay (Kapatid ni Superman na kapatid 'din ni Batman): Nasa'n nga pala si Mera at 'ni wala man lang paramdam sa gc na 'tin?"

Oo nga eh, hindi kasi mahilig sa cellphone si Mera at mag-chat.

May ( Si May-may na sobrang ganda): Nandon sa kanila at natutulog na.

Dati pa talaga ay maaga 'tong natutulog at maaga rin syang kumakain.

Ako: Sige matutulog na si @shellamszkie nyo

Pinindot ko ang wifi button at pinatay na ang cellphone hindi pa naman lowbat 'to kaya in-off ko na lang.

Maaga akong nagising mga madaling araw ay gumising na ako. Kaming tatlo naman talaga ang laging gumigising ng ganito. Diritso ako banyo.

Dear, ex.Where stories live. Discover now