Dear, ex. #7

0 0 0
                                    

So, may iba pa syang ka-chat bukod sa akin?

Naramdaman ko na kumirot ang dibdib ko. Bakit ba hindi nya sinabi na may iba syang ka-chat. Akala ko ako lang ang ka-chat nya? pero wala naman
syang sinabi na ako lang ang ka-chat nya 'di ba Shella?

Pero ganon talaga kapag ka-chat mo lang at walang kayo. Mahirap kasi iyon, magka-chat lang at hindi sigurado sa isa't-isa. Pero ganito naman sa una bakit nakakalimutan ko? matapos ang naging unang jowa ko ay alam ko na ang ginagawa ng mga nag-cha-chat sa akin pero bakit sa kanya nakakalimutan ko.

Nag-assume ba ako? siguro.... Kasi hindi naman kikirot ang dibdib ko kung hindi ako nag-aasume.

Lar JD: "Sorry, aaminin ko hindi naman iyon wrong send."

Binasa ko ang message nya. Napanguso ako. Ano ba talaga?

Lar JD: "Hindi iyon wrong send. Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag. Pero malungkot ako ngayon."

Nang nabasa ko ang sumunod na message nya ay naawa ako sa kanya. Bakit naman sya malungkot? sino ba ang nagpalungkot sa kanya?

Ako: "Pwede ko bang malaman kung sino ang dahilan ng pagkalungkot mo ngayon?"

Siguro naman pwede ko syang tanungin ng ganito? nag-cha-chat naman kami.

Lar JD: "Talaga? pwede kung isabi sayo?"

Ako: "Oo naman. Sabi gagaan ang damdamin mo kung may pagsasabihan ka ng nararamdaman mong lungkot."

Totoo iyon ako kasi ganyan minsan.

Lar JD: "May pinabibigay kasi ako para sa isang babae kanina pero hindi nya tinanggap."

Sino naman iyong babae na iyon? at ano naman ang pinabibigay nya?

Teka.... May pinabibigay sya kanina? sa isang babae? pwede kayang ako ang tinutukoy nya? o--- baka hindi naman. Baka nagkataon lang?

Sino ka ba talaga? tama ba o mali ang iniisip ko?

Lar JD: "Alam mo na? nalaman mo na kung sino iyong tinutukoy ko?"

Naguguluhan akong nag-type at nag-reply sa kanya.

Ako: "Hindi. Pwede bang sabihin mo na ng diretso sa akin?"

Nakaka sakit sa ulo kung iisipin ko pa iyon. Pwede naman nyang diretsohin sa akin.

Lar JD: "Ikaw."

Ako? ako ba ang dahilan kung bakit sya malungkot ngayon? pero bakit? sa anong rason?

Lar JD: "Bakit ikaw? kasi hindi mo tinanggap ang pinapabibigay ko sayo kanina."

....Sya iyong si Kuya Tangkad?!

Lar JD: "Aaminin ko na ako iyong nagbibigay sayo ng pagkain."

Sya?! So, sya nga!

Nagulat ako na maya-maya ay nakangiti. Napabangon ako sa kama at napahawak sa puso kung naninikip hindi dahil sa kirot, kundi sa saya! Sa wakas, at nalaman ko na!

Hindi ko mapigilan ang kilig ko sa pag-amin nya.

Pinigilan kung kumalma ng nag-message na naman sya. Kumalma ako mo na para naman mabasa ko ang message nya.

Lar JD: "Ngayong nalaman mo na ako iyon pasensya na. Sorry mukha ba akong weird?"

Aaminin ko mukha ka ngang weird pero nakakakilig ka naman. Sya pa lang iyong lalaking gumawa sa akin ng ganon. Kailan ko kaya sya makilala? o kahit makita lang ang mukha nya dito.

Dear, ex.Where stories live. Discover now