Dear, ex. #20

0 0 0
                                    

"Alam mo ba kanina Shella. Nakita ko iyong crush ko dati na nag-comfess ako pero hindi ako tinanggap." Kwento sa akin ni Adi habang nandito kami sa corridor dahil recess.

"No'ng grade 8 tayo?" Paalala ko sa kanya.

Tumango. "Oo. Nakita ko sya kanina habang bumibili tayo. Hindi pa rin sya pumapansin sa akin. Eh, wala na naman sa akin iyong dati move-on na ako at jowa na nga ako ngayon."

"Nagpalit ka pala ng nickname mo, ah?" Asar ko sa kanya.

"Hahahaha! Seryoso na kasi ako na sya na."

Nagulat ako sa sinabi ni Adi. Seryoso na sya sa jowa ngayon?

"Totoo ba 'yan Adi?" Seryoso kung tanong.

"Oo. Sya man ang pangalawa kung jowa pero sya na ang una sa puso ko." Tapos tumawa sya. "ikaw Shella? seryoso ka rin ba sa jowa mo ngayon?"

"Oo. Kasi pareho kaming seryoso sa isa't-isa."

"Ang layo kasi no'ng una mong naging jowa. Hindi mo nga nakita iyon baka nga poser iyon."

Ang naging una ko kasing jowa ay taga Mindanao. Sa picture ko lang sya nakita ta's nag-cha-chat kami. Pero matanda sya sa akin kaya busy sya. Kaya don kami naghiwalay.

"Wala na iyon. Move-on na rin ako Adi." Naka move-on na talaga ako kasi wala naman kaming malalim na relasyon at kumunikasyon sa isa't-isa.

"Dapat lang kasi hindi naman sayang iyon. Sayang siguro kung nakita mo na o ka-video man lang."

"Oo na Adi." Pinahinto ko na sya sa mga sasabihin nya.

"Alam mo.si May-may kaya ganyan sya kasi kailangan nya lang ng taong magmamahal sa kanya. Hindi kasi sya sineryoso dahil sa ugali nya. Baka maging matandang dalaga 'yan."

Tumawa ako. "Hoy, Adi! 'Wag naman sa matandang dalaga sayang kaya. Ang lungkot kaya kapag ikaw lang mag-isa. Tapos nakikita nya tayong may mga sarili ng pamilya."

Isa rin sa mga pangarap ko ay gusto kung magkaron ng sariling pamilya. Siguro nasanay na ako sa mga kapatid kung mula bata ay inaalagaan at binabantayan. Ayaw kung maging malungkot kapag na sa tamang edad na ako at walang sariling pamilya. Gusto kung alagaan dalawang importante sa akin.

At gusto ko ng maraming anak para masaya kami.

"Hindi pa ako nagkakamali sa hula ko Shella."

Simula ng.magkaibigan kaming lima ay si Adi na ang nagsilbing manghuhula sa amin. Ewan ko kung tsamba lang ba iyon pero pwede na siguro syang manghuhula.

"Si Mera magkakaron sya ng jowa ngayong taon." Dugtong ni Adi.

"Talaga? parang hindi naman Adi. Tahimik si Mera hindi mahilig sa cellphone at maagang natutulog tapos magkakajowa sya ngayon?" Parang imposible naman yata iyon.

"Magtiwala ka sa akin Shella. Alam ko."

Napailing ako si Adi talaga. Nang tumunog ang bell ay pumasok na kami.sa classroom.

"Gagawa na kayo ng english jornal at ipapasa sa akin on-time. Kung anong mga natutunan nyo sa subject na English I read and check. Pagsinabi kung bumili kayo ngayon ng big notebook ay bumili kayo ngayong gabi nyo gagawin ang jornal. Pass tomorrow on my time!" Awtomatiko kaming tumahimik at ng umalis na sya ay don tahimik pa rin kami.

Pero nagsalita si May-may. "Gagawa lang naman ng jornal para sa mga natutunan na 'tin sa subject na English. Anong problema nyo? bakit ang tahimik nyo?"

Dear, ex.Where stories live. Discover now