Dear, ex. #23

0 0 0
                                    

Natapos ang asaran naming lima ng umuwi na kami. Pero apat lang kami na sabay-sabay umuwi dahil may practice si Jay.

"Mag-ingat ka Shella, Ah? ikaw ang mag-isang uuwi ngayon." Bilin sa akin ni May-may.

"Oo, May-may. Ingat kayong tatlo." Kumaway ako sa kanila.

Ako na lang talaga ang uuwi ng mag-isa ngayon. Ang tahimik. Nang tinignan ko ang cellphone ko at kung nabasa na nya ba ang chat ko ay hindi pa naman nya nabasa at hindi rin sya online. Ang busy naman ni Mahal.

Maghintay lang tayo Shella. Baka may importante lang na ginagawa si Mahal mo mamaya mag-cha-chat rin kayo.

Pero nakauwi na ako at nakatulog na lang sa paghihintay sa kanya. Siguro naman ngayon nag-online na sya? in-on ko ang cellphone ko at gumising ako dahil sa chat nya! Sa wakas! Nag-chat na sya? pero hindi sya online? nag-online ba sya kanina na nakatulog na ako? kaya nagbilin na lang sya ng chat dito?

Pero kahit na ganon ay masaya ako! Ang importante nag-chat sya!

Mahal: "Salamat Mahal ko. Tapos na pala akong kumain."

Mahal: "Sorry Mahal ko, hindi ako naka-online kaninang tanghali at ngayon."

Mahal: "Tulog ka na ba Mahal ko? siguro napagod ka? ayos lang Mahal ko. Matulog ka ng maaga ngayon kailangan mo 'yan. Good night Mahal ko."

Napangiti ako pero napanguso rin. Ang aga naman naming natutulog? hindi na sya nag-online kasi akala nya matutulog ako ng maaga ngayon. Pero nakatulog lang ako sa paghihintay sa kanyang mag-online sya.

Ako: "Sorry nakatulog ako Mahal. Hindi naman ako matutulog ng maaga nakatulog lang ako sa paghihintay sa iyong mag-online. Pero kung magtutulog ka na. Sige, ayos lang. Baka napagod ka rin. Good night 'din Mahal. 😴♥️"

Nakakalungkot naman na matutulog kami ng maaga na hindi man lang nag-cha-chat sa isa't-isa. Iwas tuloy ang chat namin ngayon. Busy na kasi kami sa isa't-isa. Kung madami syang ginagawa ay ako rin.

Pero bakit parang nagiging ganito ako? hindi ba dapat na maging maayos lang ako kasi mag papahinga ng maaga si Mahal? bakit gusto ko syang magka-chat tulad ng dati? ako pa nga ang nagsabi na baka magiging busy kami at maiintindihan naman namin ang isa't-isa.

In-love ka lang sa kanya at namimiss mo si Mahal kaya ganito ka Shella.

Ting!

Mabilis kung tinignan ang chat nya!

Mahal: "Nagising ba kita Mahal ko? siguro nagising ka sa sunod-sunod na chat ko?"

Nakakita ako ngayon habang nag-re-reply sa kanya.

Ako: "Hindi Mahal. Nagising ako kasi may hinihintay pala ako."

Mahal: "Ang sweet mo ngayon mahal ko, ah?"

Syempre! Kasi namimiss kita!

Mahal: "Pero sorry Mahal ko, ah? pinaghintay kita. Namimiss na kita. Gusto na ulit kitang makita at makasama. Mahawakan ang mga kamay mo."

Ako rin Mahal. Namimiss rin at gusto kung makita, makasama ka at mahawakan ang kamay mo. Iyong katulad dati.

Mahal: "Gusto mo magkita tayo ngayon sabado?"

Ako: "Sige. Gusto ko rin iyon. Pero hindi ka ba busy?"

Mahal: "Pero hindi ka ba busy?"

Napangiti ako ng sabay namin iyong sinend.

Mahal: "😊♥️."

Ako: "Hindi ako busy Mahal Ikaw?"

Mahal: "Hindi rin."

Mahal: "Sige, sa sabado Mahal ko. Saan mo gustong kumain Mahal ko?"

Ako: "Kahit saan basta kaya mo at kaya ko, Mahal."

Mahal: "Sige. Mahal ko."

Mahal: "Kamusta pala ang quiz nyo kanina?"

Dahil tinanong mo 'yan Mahal ay naging masaya pa ako.

Ako: "Maayos lang Mahal. Perfect ang dalawang quiz ko."

Mahal: "Ang galing talaga ng Mahal ko. Kaya lalo ko pang sinisipagang mag-aral kasi gusto ko rin na maging ka sa akin Mahal ko."

Nakakatuwa naman na sinisipagan nya ang pag-aaral nya dahil sa akin. Edi pareho na kaming nagsisipag dahil alam naming inspirasyon namin ang dalawa.

Ako: "Salamat, Mahal. Masaya ako kung ganon Mahal kaya gusto kung gawin na 'ting inspirasyon ang isa't-isa."

Mahal: "Oo. Mahal ko. Gawin na 'ting inspirasyon ang isa't-isa."

Mukhang babalik na naman na  maaga akong matutulog na masaya. Gusto ko talagang bago ako matulog ay magka-chat kami at kapag matutulog na ay masaya akong nakangiti. Gumising nga akong parang dati lang pero masaya pa rin.

"Ang saya mo siguro Ate."

Nilingon ko si Sarah na nakatingin na pala sa akin.

Tumango ako. "Masaya naman talaga ako Sarah."

Umiirap sya pero wala nakangiti pa rin ako. "Sus, in-love ka lang!"

"Bilisan mo na lang dyan at aalis na tayo." Sinabi ko sa kanya iyon habang nakangiti pa rin.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati sa amin ni Mera.
Inayos ni Mera ang p.e na uniform nya para makaupo.

"Magandang umaga rin Mera." Bati ko pabalik sa kanya.

Tinignan ko si Adi na busy sa kanyang cellphone. Nakangiti at alam kung ka-chat nya ang jowa nya.

"Nasaan pala si May-may?" Tanong ko.

Hindi ko kasi nakita si May-may ng dumating ako dito. Pero nandito naman ang bag nya mukhang naging maaga pa si May-may kaysa sa amin.

"May pinuntahan sya." Si Mera ang sumagot sa tanong ko.

Pero hindi nya naman sinabi kung saan kaya napapatanong pa rin ako sa aking sarili kung saan. Ganito kasi Mera kung sumagot. Hindi buo at may kulang. Tumango na lang ako.

Dumating si May-may na may dala-dalang papel.

"Ano 'yan May-may?" Kuryusadong tanong ko.

"Para ito sa intramurals. Ito ang kanta at sasayawin na 'tin." Paliwang nya.

Tumango ako. Malapit na talaga ang instramurals.

"Pero maghahanda lang tayo sa kanta at hindi pa ang sayaw." Pumunta sa gitna si May-may kinuha ang atensyon ng mga classmate namin. "attention! Itong dala kung papel ay lyrics ng kanta na 'tin. Pakikinggan na 'tin ito pero hindi mo na na 'tin gagawan ng sayaw!"

"Bakit hindi pa?" Tanong iba.

Pero narinig naman iyon ni May-may kaya sinagot nya.
"Bakit hindi pa?! Kasi maghahanda pa tayo sa first periodical exam na 'tin. At huwag mo na tayong excited sa instramurals mag-aral mo na tayo ng mabuti bago ito!"

"Hays, marami na naman tayong quiz nito at test." Si Adi ang nagsabi.

Tumango ako. Magiging busy na naman kami kasi kailangan talagang mag-aral ng mabuti, importante kaya iyon. At alam kung si Mahal 'din. Pero magkikita naman kami bukas kaya susulitin namin na iyon na magkasama kami.

Sa sumunod na mga discussion ay nag-ayos kami. Pagkatapos ng discussion ay quiz agad. Dapat kaming nag-notes at pakinggan ang lahat ng discussion at maya-maya ay mag ka kanya-kanya kami na aral. Tahimik kami at inaaral ang mga notes namin.

Pagkauwi ko nga ay nagpahinga ako mo na at nag-aral. Pero inaabangan kung mag-online pero kanina pa pala sya nag-online. Hinihintay nya pala ako.

Dear, ex.Where stories live. Discover now