Dear, ex. #16

0 0 0
                                    

Natawa kami kay Adi ganon lang iyon pero sanay na kami sa isa't-isa. Pero umayos na kami dahil nandito na ang aming guro.

"Good morning Madam...."

"Rica Alinoa pangalan nya..." Rinig namin.

"My name is Madam Rica Alinoa. You can take your sit now class."

Sinunod namin sya. Tahimik kami at hindi nakatuon ang atensyon sa kanya.

Kung i-de-describe namin si Madam ay na sa mga 40's pa sya. Payat at mataas ang buhok. Pinay ang ganda.

"Let now begin the introducing you're self here in front." Umingay ang iba sa amin don. "let's begin with you." Tinuro nya si May-may na unang nakaupo sa harapan.

Sumunod naman si May-may tumayo sya at pumunta sa gitna para magpakilala. "My name is Maria Medalla Sison." Maikli nyang pakilala at umupo na ulit.

Hindi na kami nagulat na iyon lang ang sinabi nya dahil kapag naman ganito na magpapakilala kami sa harapan ay iyon lang naman talaga ang sinasabi nya. Diritso at wala ng ibang sinasabi.

Sumunod na tumayo si Mera. "Good morning everyone my name is Maria Mera Sison."

"Magpinsan pala sila." Sabi ng boses sa tapat.

Ako ang pangatlong magpapakilala sa harapan. Nahihiya ako pero madali lang naman 'to. "Hi, good morning my name Shailla Myan Garsasi." Naglakad na ako para bumalik sa upuan ko.

"Ang tataas ng mga pangalan nila." Sabi pa ng boses sa likod nila Adi.

Si Adi ang sumunod kaya umingay ang kami. Kilala nya kasi halos lahat ng nag-aaral dito kaya ganon na lang ang ingay nila. Tumahimik naman kami ng na sa gitna na sya.

"Salamat sa paingay nyo!" Natawa kami don. "my name is Adizza Araña thank you." At nag bow sya natawa kaming lahat. Baliw talaga 'to kahit saan.

"My name is Jay Habili. You're volleyball player jersey number 9."

"Wooooh! I-che-cheer na 'tin 'tonsa darating na intrams!"

Sunod-sunod na pakilala at iyong hindi naman nahihiya o sanay lang sa tao ay gumagawa ng mga intro nilang nakakatawa. Nagbilang kami kung ilan kaming lahat at 40 kaming lahat.

Marami rin, ah! Pero kaya naman sigurong i-handle kami dahil na kami bagohan at malalaki na kami para maging makulit, at gumawa ng hindi naman bagay sa amin. Ilan nga sa amin ay matured na talaga.

Pagkatapos no'n ay kinopya lang namin ang mga requirements namin. Pero hindi isinama ang mga  notebook dahil bibigyan daw kami ng nag-sponsor. Dumating ang recess at nag-recess kami bumili kami sa canteen.

"'Oy, nandito si Mera! Mera? nandito si Carlo!" Sigaw ng barkada yata nya.

Na sa labas pa kami dahil ang daming bumibili. Maliit lang kasi ang canteen namin dito kaya ang iba ay nag-a-adjust na lang na mamaya na bumili.

"Sino bang Carlo 'yan?" Si May-may ang nagtanong.

Tinuro ng apat na lalaki ang lalaking na sa huli. Complete uniform at clean hair cut.

"'Yan bang payat?" Paninigurado ni May-may.

Tumango naman ang mga barkada ni Carlo. "Huy, Carlo. Kausapin mo na naman nandito iyong pinsan nya, oh! Baka dito pa lang hindi ka na pwede!" Asar ng barkada nya.

Nahihiya si Carlo pero humarap sya sa amin. "Hi, ako si Carlo Batindi." Tumingin sya sa amin pero nagtagal ang tingin nya kay Mera.

Dear, ex.Where stories live. Discover now