Dear, ex. #8

0 0 0
                                    

Pero habang nagbabasa ako ay hindi ko mapigilan na hindi lumipat sa messenger at tignan kung nag-online na ba sya. Palipat-lipat ako pero hindi pa talaga sya nag-o-online.

Ano kayang ginagawa nya? busy ba sya?

Pero dapat maghintay ako, ako naman ang maghihintay sa kanya ngayon kasi palagi na lang syang nauunang mag-chat sa aming dalawa, ayos lang naman iyon pero kahit ngayon lang na chat-mate kami ay ako ay unang mag-chat sa kanya.

Nang nakita kung nag-online na sya at sineen agad ang chat ko ay napangiti ko. Mabilis syang nag-type.

Lar JD: "Hello! Nakakatuwa ka naman ikaw ang unang nag-chat. 😊❤️"

Ako: "Kamusta ka?"

Sabi ko ako ang unang mag-cha-chat sa kanya, eh.

Lar JD: "Maayos lang. Ikaw?"

Maayos na maayos.

Ako: "Ayos lang 'din."

Lar JD: "Ganito pala ang feeling kapag unang nag-chat ay babae."

Ano naman kaya iyong feeling na iyon?

Ako: "Anong feeling?"

Lar JD: "Na hindi ko mapigilan na ngumiti at kiligin."

Oh? nararamdaman nya pala iyon? bakit parang ako 'din nararamdaman ko iyon. Pero hindi ko iyon isasabi 'no nakakahiya!

Ako: "Hahahaha talaga nararamdaman mo iyon?"

Lar JD: "Oo, dahil sayo. ❤️"

Bakit ba kahit ang kasama nyang pag-send ng heart emoji ay nakakakilig?

Ako: "Weeee? talaga?"

Nagawa ko pang i-chat iyon kahit na abot na sa tainga ang ngiti ay ang kilig sobra na.

Lar JD: "Maniwala ka. Nararamdaman ko ito dahil sayo."

Ako: "Sana palagi mong maramdaman 'yan."

At sana palagi ko rin na maramdaman ang ganitong ngiti na aabot na siguro sa aking tainga at kilig.

Lar JD: "Oo naman. Dahil parati na tayong ganito."

Huh? kami? parati ng ano? ganito? na napapangiti at kinilig sa isa't-isa chat?

Ako: "Ewan ko sayo."

Ewan, dahil hindi ko alam kung totoo ba 'yang chat mo.

Lar JD: "Seryoso ako palagi at lalo na sayo. Ganito na tayo palagi dahil hindi ako maghahanap ng ibang ka-chat. Ikaw lang at kung papayagan mo na akong magpakita sayo ay kung kailan mo sabihin ay magpapakita ako sayo."

Totoo ba? seryoso sya sa akin? gusto kung makita na sya sa personal pero kinakabahan ako. Pero kahit na kinakabahan ba ay hindi ko na pwedeng sabihin sa kanya kung kailan kami magkikita? ganon naman talaga sa una eh, may kaba talaga pero nandon sya at kung sino o ano ang makita ko sa kanya ay tanggap ko. Ilang buwan na ba kaming magka-chat mate?

Tapos hindi ko pa pinapayagan syang makipagkita sa akin? may tiwala naman ako sa kanya.

Lar JD: "Alam ko nagdadalawang isip ka kasi hindi mo naman ako kilala at wala akong gaanong pictures dito na makikita mo. Hindi kasi ako mahilig sa ganon."

Private person pala syang tao.

Ako: "Kung papayag ba akong makipagkita sayo, magpagkakatiwalaan ba kita sa ganon?"

Dear, ex.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon