Dear, ex. #13

0 0 0
                                    

"Salamat pala sa pagbayad. Nakakahiya ikaw pa ang nagbayad kahit ako naman ang nagyaya." Mahinang sabi ko.

"Ayos lang. Dapat lang na ako ang magbayad dahil ako naman ang sobrang namiss ka." Huminto sya at tinignan ako ng nakangiti.

Nakaangat ako ng tingin sa kanya at nakangiti. Mga ilang minuto kaming nagtitigan bago nya pinisil ng marahan ang pulsohan ko.

"Sobrang namiss kita...." Sabi nya ulit.

"Ako rin namiss 'din kita." Sinabi ko iyon habang nakatitig pa rin kami sa isa't-isa.

"Pwede bang maglakad mo na tayo? hindi  ka pa naman pinapauwi 'di ba?"

Umiling ako. Hindi pa naman ako pinapauwi dahil nag paalam ako ng maayos.

"Mabuti naman. Dahil gusto pa kitang makasama." Naglakad na ulit kami.

Naglalakad kami papunta sa plaza. Tahimik kaming dalawa. Pero nakikiramdam sa isa't-isa. Sinabi nyang gusto nya pa akong makasama dahil ba magiging busy na kami?

Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa ganito. Parang no'ng una lang ay nagdadalawang isip pa akong replyan sya at ngayon ay gusto ko syang makita. Kung pwede lang na palagi kaming magkita ay gugustuhin ko. Pero malayo kami sa isa't-isa. Sana nga kung magiging busy kami ay hindi pa rin magbabago kung ano ang pinagsimulan naming dalawa.

Naniniwala ako sa mga sinasabi nya sa akin at may tiwala ako sa kanya dapat lang naman na magtiwala ako sa kanya dahil hindi nya naman ako binago no'ng una. Ganon sya. Kaya ang gusto ko ganito pa rin kami.

"Mahilig ka bang manood ng tv?" Biglaang tanong nya.

"Minsan lang."

Hindi naman ako mahilig manood ng tv at minsan lang depend kung wala akong ginagawa. Pero minsan ay nagbabasa o minsan natutulog na lang.

"Pareho tayo. Depende naman sa akin kung gusto ko."

"Pwede ba akong magtanong?" Nakangiting tanong ko.

"Oo, naman."

"Gumigising ka ba ng maaga?"

"Oo, gumigising ako ng maaga. Kailan iyon." Alam mo palang kailangan iyon kaya gumising ka. Mabuti 'yan, nakakadagdag gusto kita.

Kinikilig ako sa naisip. Kailan ko ba balak na aminin sa kanyang gusto ko rin sya? patas naman kami ng nararamdaman sa isa't-isa dahil pareho naming gusto ang isa't-isa. Hindi ko alam pag-iisipan ko pa mo na.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong ko ulit. Dahil kung marunong syang magluto ay mas nakakadagdag iyon.

Pero ang mga lalaking katulad nya ay parang marunong naman magluto. O kung hindi ay may magluluto naman sa kanila. Pero pwede naman silang mag-practice. Pero kung sya hindi marunong magluto ay ako ang magluluto para sa kanya.

Ano na naman ang inisip ko? pero pwede 'di ba? dahil just in case lang na kailangan nya ay nandito lang ako.

"Oo, alam kung nagluto." Ah, marunong naman palang magluto.

"Mabuti naman."

"Simula kasi ng may magtrabaho ang dalawa kung mga kuya at nagka-pamilya ay ako ang sumunod na naging kuya  sa amin. Inako ko na ang mga responsibilidad. Maaga akong gigising para magluto at gisingin ang dalawa kung mga kapatid na mas bata pa sa amin." Kwento nya. Parang ang gaan ng puso ko habang nakikinig sa kwento nya.

Hindi madali ang maging ate at kuya dahil parang ikaw na ang pangalawang mga magulang nila. Lalo na at may marami kayong magkakapatid kailan mo talagang maging responsable. Isipin mo iyong mahalaga sa kanila. Mahirap rin kapag hindi ka pa sa sanay sa ganon no'ng una kasi no'ng mga maliit pa ang mga kapatid ko ay mahirap sa akin na alagaan sila.

Dear, ex.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon