Dear, ex. #9

0 0 0
                                    

Hamis naman ang mukha ko at wala akong tigyawat. Sinuklay ko ng aking kamay ang buhok.

In-open ko ang aking cellphone at don sa messenger nag-chat sya....

Lar JD: "Teka?! talaga?! seryoso ka magkikita tayo ngayon?!"

Lar JD: "Saan?!"

Lar JD: "Paalis na ako."

Lar JD: "Sana tayo magkikita?"

Nagulat ako sa maraming chats nya. Ganito na lang ba sya ka-excited makita ako? magkita kami? paalis na sya kahit hindi ko pa chinat kung saang lugar?

Ako: "Sa Balamban. Sa oval."

Kinakabahan ako pero magiging maayos 'din 'to alam nya naman siguro kung saan ang lugar na iyon. Huminto ang tricycle sa munisipyo. Nakatayo ako dito at hindi pa pumasok.

Kinakabahan kasi ako. Inayos ko mo na ang damit ko. Nakasuot ako ng t-shirt at karsones tapos doll shoes at Naka lugay ang buhok.

Sige na Shella lumakad ka na baka hinihintay ka na no'n 'wag mong pinapahintay ang tao.

Nagsimula na nga akong maglakad naka bukas ang gate  dito, siguro kasi may gumagamit o may nagpa-practice. Ito na.... Makikita ko na sya.... kinakabahan ako pero lamang pa rin ang kagustuhan kung makita sya sana talaga at tama ang desisyon kung makipagkita sa kanya ngayon dito.

Luminga ako sa kaliwa dahil baka nandito sya at nakaupo sa sa semintong upoan pero wala naman taong nakaupo dito. Sa kanan at paglingon ko ay nagulat ako sa lalaking kaharap ko. Ang lapit nya sa akin! Nakasuot sya ng puting t-shirt, karsones, at sapatos na itim.

Bakit parang kinakabahan ako kung aangat ako ng mukha para makita ang mukha nya? grabe na talaga ang tibok ng puso teka lang puso kalma tayo dyan!

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha.... At.... Pagkaangat ko... Nang nakita ko na ang mukha nya ay.... Hindi ako nakagalaw. Nagulat ako sa mukha nya! Sya ba talaga iyong ka-chat ko?! O mali ako?

Narinig kung tumunog ang sapatos nya para yatang lalakad sya.

"Ay, sorry...." gumilid ako para hindi na nakaharang sa kanya. Akala ko naman sya.....

Nasaan na kaya sya....?

Narinig kung may tumikhim kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako nandito pa sya? hindi ba sya umalis?

Tumingin ako sa kanya kahit na nahihiya, ang gwapo nya kasi kahit naman sabihin ko ang sarili kung maging normal at 'wag mag pa apekto sa mukha nya ay pinipilit ko ang gwapo nya!

Pero dahil kilala ko ang sarili ko ay napilit kung 'wag maging apektado.

Teka.... Familiar sya.... Ang mukha nya ay alam kung nakita ko na 'to! Ah! Oo, naging customer ko  sya!

Kaya pala familiar kasi natitignan ko pala 'to.

Naguguluhan ako sa kanya kung bakit hindi pa sya umaalis. Pero nasaan na ba kasi sya?

"Hi." Nagulat na naman ako! Binati nya ako!

Magsasalita na sana ako pero para namang nawala yata ang aking dila. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Hi. Sa wakas nagkita na tayong dalawa."

Don ako napatitig sa kanya! Sya?!

Sya iyong ka-chat mate ko?! Sya ba talaga iyong unang nag-chat sa akin?! Iyong ka-chat ko ng isang buwan at kalahati?! So, naging customer ko talaga sya?!

Dear, ex.Where stories live. Discover now