Dear, ex. #21

0 0 0
                                    

"Bagay sila 'no?" Tanong ko kay May-may.

Pareho kaming nakatingin nila Jay May-may at ako sa dalawa.

"Ewan. Hindi pa naman na 'tin alam kung sila na at tsaka, hindi pa na 'tin kilala si Carlo." Diretso na sagot ni May-may.

"Ang dami mong hindi pinagkakatiwalaan May-may." Si Jay.

Lumingon si May-may kay Jay. "Marami talaga?! At hindi basta-bastang nagtitiwala sa mga tao."

"'Wag kang mag-aalala May.... May mag mamahal rin sayo." Seryoso ani Jay.

"Kung dumating man ang panahon na iyon sana totoo 'yan kasi kung masasaktan na naman ako? ayaw ko na. Sobrang sakit na kung mauulit pa." Emosyonal na sabi ni May-may.

Nagsalita ako. "Malay mo May-may na sa tabi lang sya nag-aantay na mapansin mo."

"Sus, nagdadalawang isip ako kung dito sya nag-aaral. Mabuti sana kung na na sa standard ko. Iyong matalino, tanggap ako kahit at gusto ko at gwapo."

Tumawa si Jay. "Parang mapili tayo May-may, ah?!"

"Mapili talaga ako?! At dapat lang iyon tinatawag nila akong panget 'di ba? at ayaw ko naman na panget rin ang magiging jowa ko paano na lang ang future mga anak namin?"

"Luh! Ang mga bata pa na 'tin pa don nag-iisip ka na sa future na 'tin?"

"Natural! Mabuti ng advance!"

"'Oy, tapos na akong magsulat. Ito Shella oh, ang notebook mo salamat!" Kinuha ko ang binigay sa akin ni Adi at nilagay sa bag.

Naglakad na kami papauwi.

"Shella, hindi tayo makakasabay ng uwi ngayon kasi may pupuntahan ako tungkol sa jersey namin. May bago na kasi kaming jersey." Nalulungkot na paliwanag ni Jay.

Ako lang mag-isa ang sasakay ng tricycle. Nakakalungkot naman pero importante iyon. "Nakakalungkot naman 'yan Jay. Pero sige pumunta ka na baka ma-late ka."

"Sasabay na ako nila May-may at Adi. Mag-ingat ka, ah?"

Tumango ako. "Oo. Mag-ingat rin kayong tatlo."

Pinapanood ko pa silang sumakay ng tricycle at umalis. Tahimik ulit akong nakasakay dito. Parang ngayon ko lang naranasan na mag-isa akong sasakay ng tricycle galing sa eskwelahan. Matanong na tao kasi Jay kaya hindi maingay kapag mag kasama kami.

"Ate! Kain na! Nagluto kami ng maaga kasi nag-celebrate kami sa promotion ni Papa!" Iyon ang bungad sa akin ng bunso kung kapatid.

Masaya ako! Sa wakas na promote na si Papa. Nakakatulong 'yan sa amin. Nandito ang lahat na mga kapatid ko. Kompleto kami at mas naging masaya pa ako. Palagi naman kaming magkakasabay kumain pero 'to kasi ang makakatulong para sa amin.

Pagkatapos ang salu-salo ay nag-video k ang mga kapatid ko. Hindi na ako sumali sa kanila hindi kasi maganda ang boses ko. Nandito ako sa kwarto namin at nag-aaral na tinapay ko ang umiikot na eritic fan malapit sa akin.

Binasa ko ang mga sinulat ko at inintindi. Binasa at kinabisado. Tahimik akong mag-aral. Ganon talaga ako dati pa.

Ting!

Mahal: "Anong ginagawa ng Mahal ko ngayon?"

Napangiti ako.

Ako: "Nag-aaral ako. 📝" Nag-send pa ako ng emojis.

Mahal: "Kaya mo 'yan Mahal ko. Ikaw pa."

Ako: "Kamusta pala ang report ng mga ka-grupo mo kanina?"

Dear, ex.Where stories live. Discover now