Dear, ex. #4

0 0 0
                                    

Pagkatapos maghilamos gamit ang sabon na safeguard at naligo ay nagbihis ako ng t-shirt at karsones nag sapatos ako. Kinuha ko ang varsity jacket dahil ang lamig ngayon. Sabay kaming kumain nagdala ako ng shoulder na at nilagay ang cellphone don at ang pitaka ko.

Ako ang nagsirado ng gate bago sumakay sa rosi na motor kasya ang apat dito. Ako ang huli na sumakay at nang umandar na ay sobrang lamig ng hangin mabuti na lang talaga at nag jacket ako kung hindi baka manginig ako sa lamig.

Nang nandito na kami ay tahimik pa pero may mangilan-ngilan ng mga taong nandito.

"Ouh, nandito na pala kayo. Magandang araw sa inyo." Sabi ni Tatay Jon, matanda na sya pero nagta-trabaho pa rin kasama rin ang kanyang asawa nya.

"Magandang umaga rin po." Bati namin.

Nagsisimula na kasing sumikat ang araw dito kaya nagsimula na kaming gawin ang mga kanya kanyang gawain namin. Ako ay binuksan ko ang tindahan namin pwenisto ang mga gulat na maninda at hindi rin naman gulay pati mga isasama sa pagluto. Nang umaga na talaga ay hinatid na nilang dalawang ang mga orders. Mukhang ako lang ang mag-isa dito dahil matatagal pa sila kaya binigyan nila ako ng pera para mamaya kung kakain ako.

"Hi, magandang umaga hija magkano ang kilo ng kalabasa nyo?" tanong ng babae na ka-edad lang ni Mama.

Nginitian ko sya. "Alin po dito pwede kayong pumili."

"Ang lalaki naman ng mga kalabasa na 'to ang sagana talaga ng mga panindang gulat ngayon!" Natutuwang sabi nya habang natutuwang naka tingin sa mga malalaking mga kalabasang na sa harapan nya.

Masagana talaga ang mga gulay ngayon kasi alagang alaga sila.

"Ito na lang hija." Itinuro nya ang na sa gilid at kinuha ko para kilohin.

"Magkano?" Tanong nya na kumuha na ng pera sa kanyang pitaka.

"60 pesos po Ma'am." Sabi ko. Kumuha na ako ng plastic at nilagay don. Inabot ko sa kanya.

Nangingiti naman syang nag-abot ng bayad sa akin at kinuha ang plastic.

Napatingin ako sa pera nya at isang daan iyon, at sya ang unang costumer ko kaya wala akong pang sukli dito.
"Teka lang po, Ma'am. Wala po kasi akong pang sukli sa pera----"

"No, it's okay! Keep the change hija. Maganda kasi ang mga gulay nyo."

Nagugulat ko syang tinignan. "S-salamat po." Nautal pa ako sa gulat.

"Bye!" Nakangiti nyang paalam.

Sa sumunod na costumer ko ay salungat naman mapili at masuri nyang tinitignan na walang ka ngit-ngiti. May pagka-strikta ang mukha nya matanda sya at ilang minuto siguro nyang sinusuri ang mga paninda ko bago makapili ng bibilhin ayos lang kahit naghintay ako sa kanya marami rin naman syang binili.

"Salamat po." Magalang na sabi ko.

"'Oy, Shella. Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Nanay.

Tumango ako na nakangiti. "Ayos lang naman po."

Tinignan nya iyong kakaalis ko lang na costumer. "Ganyan talaga sya kung bumili costumer ko rin 'yan at masuri nya talagang tinitignan ang mga paninda."

Ayos lang naman iyon, kung ako naman sa posisyon nya ay ganon rin ang gagawin ko dapat kasi ginagawa na 'tin iyon hindi basta-bastang pumipili.

Nang dumating ang alas dose ay umalis mo na ako at pinabantay sandali sa katabing nagtitinda rin don, dala ko naman ang kinata ko mula kanina. Nilakad ko ang nagtitinda ng chicken joy at kakanin sa gilid.

Dear, ex.Where stories live. Discover now