CHAPTER FORTY-FOUR

Magsimula sa umpisa
                                    

Bahagya kong nakita ang pagkislap ng mata niya habang nakatingin sa 'kin. While staring at her face, binibigyan niya ako nang feeling na parang ngayong nandito na siya, that we're finally meet, para bang siya ang magiging sandalan ko at poprotekta sa 'kin. And it makes my heart happy na habang tinitingnan ko siya.


And since ilang taon akong naging panganay, napakabago sa feeling ko na may mas matanda na sa 'kin. Like until now, hindi pa rin ako makapaniwala. Pero isa lang talaga ang pinaniniwalaan ko, magkakasundo kami, I can feel that and I'm happy na marandaman ko 'yon.


"Ang ganda niyong pagmasdan," ani nang kung sino sa paligid.


Mabilis kami napatingin sa aming likuran at mabilis din na ngumiti nang makita namin si nanay na nakangiti rin sa 'min.


"Nawa'y magtuloy-tuloy ang ganiyang samahan niyo. Nakakatuwa kayong pagmasdan na magkasundo," dagdag na aniya pa.


"Well I'm happy na mukhang magkakasundo kami at hindi ako papayag na hindi kami makapagbonding sa lalong madaling panahon." Mas lumawak pa ang ngiti ko. "And I already have a lot of free time right now and I would like to use those free time to get to know more my sister before akong umalis for my trainings."


Napatango nang bahagya si ate. "Oo nga pala, next month na 'yon 'no? Dapat bukas na bukas pala, sulitin na natin kasi paniguradong matagal kayo do'n."


"Hmm yeah..." I also nodded. "Since we really need to train more for us to get to know a lot of things about the path na pinili namin ni Raylene."



Ilang araw matapos ang aming unang salo-salo, wala talaga kaming pinalampas na oras at araw na hindi kami magsasama-sama. Kasalukuyan kami ngayon na nasa arcade at pinapanood ang paglalaro ni Adriel ng basketball. Hindi ko nga rin alam bakit pati rito, sumama ang kumag na 'to. Nagulat na lang ako dahil pagkarating namin sa parking lot, sumalubong na lang siya bigla sa 'min.


"What the hell are you doing here? Who told you na pupunta kami here?" I asked curiously after ko mabilis na makababa sa sasakyan na minamaneho naman ni Claude.


My forehead furrowed as he slightly covered his mouth and looked at us as if gulat na gulat siya at animong hindi niya ineexpect na makikita niya kami rito. Napangiwi pa ako nang bahagya nang itinuro niya kami isa-isa ngunit mabilis niya rin naman ibinaba nang magsalita na si Claude na nasa tabi ko.


"Why are you acting as if you didn't expect us to see here? Like dude..." Napatingin ako kay Claude bago ibinalik ang tingin kay Adriel. "Obvious ka, no need to act for goddamn sake!"


Napataas naman nang bahagya ang kilay ni Adriel bago maya-maya ay ngumisi. Tumango-tango pa siya bago mabilis na tumingin sa gawi ko bago muli niyag binalik ang tingin kay Claude.


"Really? Am I really that obvious?" He casually asked.


"Yes! At huwag mo nang itanggi," tila may inis na sabi ni Claude.



"Okay, madali naman ako kausap. Ang galing mo naman, nahalata mo pa pala 'yon?" Tila sarkastikong aniya. Muli na naman siyang tumingin sa 'kin bago inilipat ulit ang tingin niya kay Claude. "But Am I also that obvious that there's someone that I really want to see right now so that's why I'm here?"


Mabilis na nangunot ang noo ko at mabilis din napaiwas nang tingin nang walang ano-ano'y kumindat sa 'kin si Adriel. At sa pag-iwas kong 'yon, nakita ko ang nakasarang kamao ni Claude na siyang agad kong hinawakan na dahilan upang bahagya siyang kumalma.

"Ahm since he's here now, can we just go inside na lang?" Pag-aaya na lang ni ate na agad kong tinanguan.


Kaya heto kami ngayon, pinapanood ang dalawang naglalaro na tila nagpapataasan ng score. Napailing na lang ako at bahagyang napahawak sa sintido dahil nakakailang beses na silang naghuhulog ng token habang kami, hinihintay namin silang matapos dahil ang sabi nila ay isang laro lang daw pero hanggang ngayon, nandito pa rin kami at hinihintay silang matapos.


Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon